Advertisers

Advertisers

DESPERADO NA SI GENERAL BANTAG…

0 6,006

Advertisers

Desperado na umano si dating Bureau of Correction (BuCor) Director Gen. Gerald Bantag batay sa ginawang pahayag nito sa ilan mamamahayag kama-kailan.

Sinabi ni Bantag na siya daw ay lalaban at hindi papahuli ng buhay kung sakaling siya daw ay aarestuhin hinggil sa Percy Lapid Slay.

Ayon sa Heneral, siya daw ay pinapaginitan at sinisingle out sa imbestigasyon na isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) a National Bureau of Investigation(NBI).



Hindi daw fair and square ang laban kung kaya’t buo na daw ang kanyang desisyon na lumaban hanggang sa mamatay kaysa sa sumuko.

Maliban dito, siya daw ay sinuspindi ng walang basehan. Tinuturo niya ang mga drug lord at ilan dilawan na nasa likod ng pagkakasibak sa kanya.

Ito daw ang mga dialog ng mga taong sukol at bistado na ang ginawang kalokohan. Wala na talagang ibang rekurso ito kundi ang magpahayag ng walang sustansiyang pahayag.

Mantakin mong bumoka ka at magdeklara ka ng ganong desisyon, ganito bang magdeklara ang isang 4-star General?

Sa kasalukuyan, siya umano ang lumalabas na prime suspect at mastermind sa pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Lapid sa Las Pinas city.



Kung sa bagay, lahat naman ng angulo at aspeto sa ginagawang imbestigasyon ay nandon ang posibilidad ng kanyang partisipasyon.

Talaga naman kuwestiyonable ang mga kaganapan tulad na lang sa pagpatay sa middle man na si Crisanto Villamor sa kanyang selda sa maximum seciurity ng New Bilibid Prison(NBP).

Unang dineklara na si Villamor ay namatay sa natural death (bangungot) taliwas sa ginawang eksamin ni forensic expert Dra. Rachel Fortun na ito ay sadyang pinatay matapos sakluban ng plastic ang mukha hanggang maubusan ng hangin.

Iisa rin ang ginawang testimonyang tatlong inmate na nagsasabing ang order daw sa pagpatay kay Lapid ay galing sa office (BuCor).

Ito rin ang konteksto ng huling text ng pinatay na middle man sa kanyang kapatid na si Marissa ilang oras bago ito matagpuang patay.

Si Bantag ay sinasabing malapit kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang nagtalaga sa kanya bilang BuCor Diretor.

Pinaniniwalaan din na itong si Bantag ay may blessing at blanket authority kay PRRD sa anumang desisyong gagawin niya sa NBP tulad ng mga misteryosong pagkamatay ng mga high profile inmate, no questions asked, basta namatay… tapos.

Kung may tokhang at order sa mga kapulisan na kill, kill, kill sa mga drug-pusher at anumang drug-related case, gayundin malamang ang utos kay Bantag.

Sa huling pahayag ni Gen. Bantag sinabi niya na iba daw ang patakbo ni dating Pangulong Digong kung kukumpara sa kasalukuyang administrasyon.

Inamin din niyang siya ay kumukuha ng kamandag at lakas ng loob kay PRRD sa lahat ng kanyang desisyon at gagawin, siyempre boss mo iyan, di po ba?

Weather weather lang iyan Heneral, tapos na ang administrasyon niyo kung kaya’t hayaan mo namang magkaroon ng tsansa ang iba para ipatupad ang gusto nilang kalakaran. Walang For-Ever sa buhay he… he… he…

Malaki nga ang posibilidad na tukoy na ang mastermind sa Lapid Slay. Dyan na kaya matatapos ang eksena o baka naman meron pang isang malaking tao sa likod ng telon na walang ibang ginagawa kundi KUMUMPAS.

Anuman ang maging resulta, hindi ito basta-basta palalagpasin ni DOJ Secretary Boying Remulla, HEADS WILL ROLL, ika nga.