Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang edad na 47, nananatiling yummy pa rin ang aktor na si Ian Veneracion at malakas ang pangangatawan.
Katunayan, nagpapasalamat siya na sa kanyang edad ay wala pa rin siyang iniindang karamdaman.
Kumpara rin sa kanyang mga kakontemporaryo, isa rin siya sa nananatiling aktibo pa sa showbiz at matatag ang career.
Hirit pa niya, kaya pa raw niyang gumawa ng dangerous stunts tulad noong ginagawa niya noong kabataan niya bilang action star.
Sey pa niya, hindi rin daw siya nagpa-dobol noon sa action scenes na ginawa niya.
Hindi rin daw siya natakot sa peligrosong stunts kahit na magpasagasa pa sa kotse.
Malaking bagay daw na aktibo ang kanyang lifestyle at nakatulong na ang interes niya ay nasa extreme sports tulad ng basketball, scuba diving, cycling at skydiving.
Ito raw ang nagpapakundisyon sa kanya para maging handa sa fight scenes sa pelikula.
May bentahe rin daw na nag-aral siya ng martial arts kaya naman kaya pa niyang itawid ang agility ng isang action star sa kanyang stunts.
Bagama’t nakilala raw siya bilang romantic drama actor at singer, masasabi raw niyang core niya ang pagiging action star dahil dito siya nagsimula.
As young as 15 years kasi ay sumabak na siya sa pagbibida sa action movies kaya to date ay nakagawa na siya ng more than 25 action movies.
Si Ian ay nakatakdang mapanood sa isang action-drama mini series na gaganap siyang isang gangster.
May MMFF entry din siyang “Nanahimik ang Gabi” kabituin sina Heaven Peralejo at Mon Confiado.