Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PUNA ng mga netizen at followers ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na nitong mga huling araw ay mas marami raw exposure ang leading man ni Darna na ginampanan ni Jane de Leon, na si Joshua Garcia as Brian.
Naging trending pa nga ang eksena na nagkaroon ng matinding halikan sina Valentina na ginampanan naman ni Janelle Salvador at Brian. Naging usap-usapan ito at marami tuloy ang na-curious kay Joshua sa serye.
Narito ang ilang komento ng mga netizens.
“90% ng feed back puro kay Br*an, 10% sa ibang characters. Show pala to ni Brian,
siya pala ang bida.”
“paki palitan nalang po siguro ng “Mars Ravelo’s Brian” yung show title, your
supposed main character became a shadow because of your character writing. your show constantly recieves bad ratings and most of your good fbs about brian only comes from die-hard fans.
Wake Up!”
May isa basher pa ang nagkomento na flop umano ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series”
“Darna Flop”
Na hindi naman pinalagpas pa ng Darna’s Head of Production na si Julie Anne R. Benitez. At heto ang kanyang naging response sa naturang komento.
“If Darna is a flop, why are you watching?
Anyway, bashers are welcome, dagdag
twts and views. Please, magtawag ka pa.
God bless you my dear!”
***
TUTOK ngayon ang byuti ng sex nymphet na si Ayanna Misola sa bagong niyang proyekto sa Vivamax, ang original series na “Secrets of a Nympho” na mapapanood sa lahat ng Vivamax apps kada linggo.
Kasama ni Ayanna sa serye sina Rhen Escano, newbie Andrea Garcia, Josef Elizalde, and the latest Viva Artists Agency talent, Arron Villaflor. The eight-episode show is under the direction of Philip King and Shugo Praico.
Ang “Secrets of a Nympho” is about two women on a mission to expose the mastermind behind a scandalous crime that damaged their prestigious university.
Hindi na rin kaila kay Ayanna na sa kanyang pagpapaseksi ay dumami ang followers niyang manyakol, mapa-lalake man o tomboy.
Para rin kay Ayanna, flattered daw siya kung nagiging pantasya siya ng mga tibo at mga kalalakihan.
At nang matanong naman si Ayanna na kung may naka-encounter na rin siyang tao na nympho.
“Wala pa, pero mas madalas akong nakaka-encounter na maniac, as in maniacs hahaha. Walang nympho,” say ni Ayanna.