Advertisers

Advertisers

LizQuen mas type maging freelancer kaysa patali ulit sa network

0 385

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz sa YouTube, sinabi niya na pipirma lang ng kontrata si Enrique Gil sa isang network, kung saan pipirma rin ang dati niyang alaga na si Liza Soberano.
Hindi binanggit ni Ogie kung saang network pipirma ang magka-loveteam at magkarelasyon.
Nag-lapse na ang kontrata ni Enrique sa ABS-CBN noong September. So pwedeng operan siya ng GMA 7, or pwedeng i-renew ng Kapamilya network ang kanyang kontrata.
Sabi ni Ogie,”Ready siya (Enrique) for pitching. Yung pitching na sinasabi ay mag-offer kayo sa akin kung ano ‘yung puwedeng teleserye o pelikula na gagawin ko. Kung magustuhan ko, okay ako at payag ako. Go! Pag hindi niya gusto hanap ulit ng story line para i-pitch sa kanya.”
Dagdag niya,”Ang alam ko, ayaw muna ni Quen na pumirma kahit saang network parang feeling ko, kung saan pipirma si Liza Soberano, doon siya pipirma. Kung pipirma si Liza, ha?”
Sabi naman ni Mama Loi na co-host ni Ogie sa vlog,”E, paano yun, Nay, si Liza, doon pumirma sa U.S.? So, mag-U.S. na rin kaya si Quen?”
Sagot ni Ogie, “Hintayin natin Loi kasi ang alam ko nasa U.S. si Enrique, ‘yun ang alam ko, ha. Parang paborito na nila ni Liza yung Hawaii, e.”
At parang mas gusto raw ng dalawa na maging freelancer na muna.
“Iyan ang hindi natin alam. Pero for now, hindi pa ready pumirma si Quen kahit saang network, ganun din si Liza. Parang gusto nila per project basis. Freelance,” sey pa ni Ogie.
***
ANG multi awarded director/actor na si Romm Burlat ang CEO/President ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ang layunin ng nasabing award-giving body ay bigyan ng recognition/award ang isang organization o individual na nag-excel sa kanilang chosen career.
Ang awards night ay gaganapin sa December 28 sa Manila Grand Opera Hotel & Casino.
Ang inyong lingkod ang isa sa pararangalan bilang Outstanding Tabloid Writer of the Year.
Ang ilan pa sa awardees ay sina Atty. Persida Acosta-Most Outstanding Public Servant, Dr. Liza Ong-Most Empowered Medical Doctor of the Year, Nora Aunor-National Artist and Most Excellent Actress of the Philippines, Vilma Santos- Philippines Most Outstanding Actress Politician For All Seasons, Jodi Sta. Maria- Best Actress in a Teleserye, Ima Castro-Best Actress in a Musicale, Aiko Melendez- Most Empowered Woman In Politics and Showbiz, Dianne Querrer- Outstanding News Anchor of the Year, Lovely Rivero-Most Revered TV Actress of the Year, Teresa Loyzaga-Outstanding TV and Movie Queen of the Year at Maricel Soriano- Outstanding Longest Reigning Movie Queen of the Philippines.
Samantala, sI Direk Romm ang napili bilang host at director ng Gusi Peace Prize International 2022. Ito ang equivalent ng Novel Prize. Kaya naman happy at sobrang honored si Direk Romm sa pagkakapili sa kanya.
Post nga niya sa kanyang Facebook account,”So honored. So privileged. So humbled to be chosen as host for this year’s Gusi Prize Internatonal awards ceremonies.
“The Gusi Peace Prize, equivalent to Nobel Peace Prize, recognizes individuals and organizations who have contributed to global peace and progress through a wide variety of fields. Awardees from all over the world see you on November 23rd and 24th”.