Advertisers

Advertisers

PERGALAN OPERATION SA R3 – IMAHE NI PASIWEN “SIRA”

0 538

Advertisers

SI PBGen.Cesar Pasiwen ay mula sa Mountain Province, lugal ng mga katutubong kung tawagin ay mga mandrigma, kilalang masisipag, hindi sumusuko sa labanan at higit sa lahat ay determinado sa pagsasagawa o pagsasakatuparan ng kanilang trabaho.

Hindi nagdalawang- isip si PNP PDGen. Rodolfo Azurin Jr na italaga si Pasiwen, miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class ‘94 nang hiranging hepe ng Regional Police Office 3, sa Central Luzon nitong Agosto lamang para tumulong sa mga programa ng Chief PNP sa mga layuning nais isakatuparan ng kababayan niyang si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Walang dudang kayang- kaya ni Pasiwen ang kanyang bagong assignment bilang R3 Police Commander, magiging totoo lang ang kanyang mga subordinates sa pangunguna ng provincial commander ng anim na lalawigan na nasasakupan ng R3 -Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan at Zambales.



Isa lang ang nakikita nating kailangang pagtuunan ng pansin ni Gen. Pasiwen – ang problema sa droga na unti-unting nasusupil na ng PNP dahil naging pangunahing prayoridad ng brutal at kontrobersyal na drug war ng Duterte Administration subali’t pagkatapos ng panunungkulan ni Presidente Digong ay unti- unti na namang lumalaganap ang ilegal drug, hindi lang sa Central Luzon kundi sa buong bansa.

Pangalawa ay ang hindi mahinto- hintong operasyon ng illegal vices tulad ng pergalan (perya at sugalan) jueteng, sakla, lotteng at maging ang oil pilferage na kilala sa police parlance na paihi, patulo o buriki at iba pang awtoridad tulad ng National Bureau of Investigation ( NBI) na kaakibat sa problema ng droga dahil sa ang mga vice lord.

Sa mga bawal na bisyong ito, matindi ang ikot ng shabu sa mga pergalan at sakla joint. Dito ay nabibili na ang droga at halata na ang mga bettors o mananaya sa pergalan at sakla, karamihan, kung hindi man lahat ay lutang ang isip kaya hindi nakakapagtakang ang shabu ay mabiling-mabili sa mga joint na ito na hindi mapapasinungalingan ng mga regional, provincial at maging ng mga city at town intelligence team.

Kaya hindi nagtatagumpay ang ilang naging PNP RD3 ay dahil may pagkakataong hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga intelligence officer sa tunay na nangyayari sa field – in short sila’ y binubulag.

Hindi rin epektibo ang mga programa ng RD kaya ang resulta, palpak ang kanyang pamumuno na hindi dapat mangyari sa liderato ni RD Pasiwen, kundi ay mapapabilang ang kanyang pangalan sa listahan ng mga naging RDs na bigo ang pamumuno.



Bakit hindi tularan ni Pasiwen si Gen. Guilor Eleazar na magsagawa ng mga “surprise visitation” sa mga nagkalat na pergalan sa ibat – ibang sulok sa Bulacan at Pampanga, upang mapatunayan niya ang katotohanan sa mga kutsabahan ng drug/gambling operator at ilang mga PNP official.

Dito mapapatunayan niya na nasisira ang kanyang pangalan at pamumuno bilang RD3 Chief dahil lingid sa kanyang kaalaman ay parang kabute ang pergalan sa kanyang area of responsibility (AOR). Pati mga menor de edad ay nalululong sa sugal tulad ng color games, pula’t puti, skylab, sakla drop balls, beto-beto at cara y cruz na parang ligal ang operasyon sa hurisdiksyon ng heneral.

Baka hindi pa alam ng butihing heneral, ang mga pinagkakatiwalaan nitong mga opisyales ang mga “patong” o protektor ng mga pergalan, kapalit ng milyun-milyong halaga ng intelhencia na lingguhang kinokolekta ng kanilang “kapustahan o tong kolektor”.

Ang mga naturang pergalan at mga operator nito ay ang sumusunod; Bulacan – Sto Niño – Elly, Caingin – Lanie parehong sa Meycauyan, Lias, Marilao-Alvin, Tuktukan, Guiguinto – Lourdes Tomboy, Bunsuran, Pandi – Mane, Mapulang Lupa, Plaridel- Fred, Bayan Sta Maria- Fred, Matiktik, Norzagaray- Andy, Donacion, Angat- Jeff Bakla, Sta Barbara, Baliwag-Elmer, Tibag, Baliwag- Tomas at Leo, Caingin, San Miguel- Macmac, Poblacion San Miguel- Rick at Liza, San Roque, San Miguel- Gordon, Sta Lucia, San Miguel-Manny, Pinaod, San Ildefonso- Randy at Sta Ines, Bulacan, Bulacan-Edwin.

Kasali kaya si Bulacan PNP Provincial Director P/Col. Relly B. Arnedo sa protektor ng mga pergalan operator at iba pang maintainer ng illegal vices sa Bulacan?

Sa Pampanga ang pasok din sa tara ng mga “kapustahan” ay Camatsile, Mabalacat- Nene, Mabiga, Mabalacat- Dante, Dau, Mabalacat- Dante, Pandan, Anonas at Cutud ay kina Quiroz at Angelo, Purac Bayan- Bombay, Bacuwan, Sta Rita- Doming, Sexmoan Bayan- Rannel, Magalang-Sta Lucia-Lala, Ayala, Magalang- Rey, Sabonilla, Mexixo- Raymond, Pandacaqui, Mexixo-Kapitan, Candava Bayan- Louie, Mangga, Candava- Batang, Magalang I at Magalang 2 kay Evelyn. Ang lagay ba nito, ay bakit tila nakatunganga lang si Pampanga PNP Provincial Director P/Col. Levi Hope Basilio? Nagtatanong lang po, Gen Pasiwen…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com