Advertisers

Advertisers

SI BANTAG NGA BA ANG MASTERMIND?

0 322

Advertisers

Hindi pa man naisasampa ng PNP at ng NBI ang kasong double murder laban sa mga suspek sa Percy Lapid slay at sa pagpatay sa NBP inmate na sinasabing “middle man” na si Cristito Villamor Palana, lumutang na agad ang espekulasyon na kabilang sa sasampahan ng kaso sa DOJ ang sinibak na director ng New Bilibid Prisons na si General Gerald Bantag.

Ito ay makaraang ilabas ang ikalawang autopsy sa bangkay nang itinurong middle man na si Palana na isinagawa ni Dr. Raquel Fortun.

Sa naging resulta ng second autopsy, sinabing posibleng tinakluban ng plastic bag si Palana na naging sanhi ng kamatayan nito.



Nagpahayag din si DOJ Sec. Boying Remulla na posibleng maisampa ang double murder case laban sa mastermind o masterminds sa linggong ito.

Nasa kostudiya na rin ng NBI ang pito pa sa mga panibagong suspek na pawang mga inmates ng Bilibid na itinurong responsible sa pagkakapatay kay Palana.

Lider o mga kumander umano ito ng Spunik, Batang City Jail at Happy Go Lucky gangs na nautusan para itumba ang middle man makaraang ibulgar ng gunman na si Joel Ascorial sa isinagawang press con ni DILG Sec. Benhur Abalos at ng PNP noong Oktubre 18,2022.

Sa hiwalay at ekslusibong panayam ni Anthony Taberna kay Bantag, sinabi nito na alam niyang siya ang tinutumbok na mastermind sa pagpaslang sa broadcaster na si Ka Percy Lapid at sa middle man na si Palana.

Idiniin nito na kagagawan ito ng mga sindikato sa droga na kanyang nasagasaan nang maupo siyang director ng NBP.



Malalim umano ang conspiracy sa likod na pamamaslang kay Lapid na nais palabasing siya ang utak ng krimen.

Pati na rin ang pagpatay sa middle man na si Palana ay naka-set up din para sa kanya ibintang.

Malalim ang pagkakadesenyo ng “plano” para siya ang madiin sa kaso at tuluyang mapaalis bilang director ng Bilibid.

Hindi naman tayo kumbinsido na si Bantag nga ang utak ng krimen base sa ating personal na pananaw at instinct dahil sa napakaraming butas ng isinagawang imbestigasyon.

Sabi nga natin, labutaw na labutaw na ito”.

Bagamat hindi pa nga naisasampa ang kaso, naniniwala tayong mahihirapang direktang maisabit ng PNP at NBI si Bantag sa bisa lamang ng mga posibleng testimonya ng mga PDLs o inmates na kinuha ng NBI sa Bilibid.

Naniniwala tayong nangangailangan pa ng mas marami at matitibay na ebidensiya para tuluyang masabi na si Gen. Bantag nga ang mastermind sa pamamaslang kay Ka Percy Lapid at sa middle man na si Palana.

Hindi rin tayo pabor sa pahayag ng abogado at spokesman ng pamilya Lapid na si Atty. Toto Causing sa social media at sa kanyang sariling vlog na tumutukoy kay Bantag bilang mastermind.

Sabi nga ng mga legal experts, nagkaroon na ng lapses ang PNP at DILG noong magsagawa sila ng premature presscon na nagtuturo at nagbabanggit sa umano’y middle man na nakakulong sa NBP.

Hindi pa pala sila siguradong “secured” na ang itinurong middle man, bakit inanunsiyo agad sa media ang tungkol dito.

Napatay tuloy ito na naging isang malaking dagok sa ongoing investigation.

Nagkaroon na sana ng malaking “break through” sa imbestigasyong isinasagawa ngunit nasayang lamang ito dahil nga sa palpak na diskarte na pagpapalabas ng vital informations sa media.

Sa ganang atin, kapag ipinilit ng PNP at ng NBI na isama ang pangalan ni Bantag sa mga sasampahan ng kaso, magkakaroon ng malaking technically at kuwestiyon ukol dito.

Hindi rin ito magdudulot ng kalutasan sa pagpaslang sa mamamahayag na si Ka Percy at sa middle man na si Palana dahil alam ng mga tao na hilaw na hilaw pa ang pagkalap ng matitibay na ebidensiya na tatayo sa hukuman.

Nalalambungan ng malaking duda sa publiko ang kasong ito kung mamadaliing isampa sa husgado.

Hati rin ang pananaw ng tao sa isyu kung si Bantag nga ba o hindi ang utak ng Lapid slay case.

Kahit ang forensic evidence na nakuha sa ikalawang autopsy sa bangkay ng middleman na si Palana ay mahina din dahil sinususugan lamang ito ng mga testimonya ng mga inmates ng Bilibid base sa text messages na ipinirisinta ng kapatid na babae ni Palana.

Puro circumstantial evidences lamang itong naturingan.

Hindi rin makita ng kapulisan at ng NBI ang mismong celfon ng middle man na napatay.

There are so many questions than answers surrounding the Percy Lapid slay case na lalo lamang nagpapabigat na mapagkalooban ng tunay na kalutasan ang nasabing kaso.

May kasunod…

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com