Advertisers

Advertisers

Ang muling pagsigla ng turismo sa Batangas

0 268

Advertisers

KASUNOD ang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na muling pasiglahin ang local tourism sa ating bansa, hindi nagdalawang-isip si Batangas 2nd district Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na itaguyod ang mga local tourist spots sa kanyang nasasakupang lugar.

Sa katunayan, kasama si Rep. Jinky ni Tourism Secretary Christina Frasco na dumalo sa Dive Equipment and Marketing Association (DEMA) Show 2022 na gaganapin sa November 1-4 sa Orange County Convention Center sa Orlando, Florida, USA.

Pangunahing itataguyod ni Rep. Jinky sa international diving industry convention ang Batangas dive sites, Marine Sanctuary Verde Island Passage na magpapalakas sa local tourism ngayong post-covid at magkapagbibigay ng kabuhayan sa ating lokal na kababayan.



“The Annual DEMA is the largest event for companies doing business in scuba diving, ocean water sports and adventure/dive travel industries. It attracts hundreds of exhibitors and thousands of dive and travel industry professionals from around the world,” pahayag ni Rep. Jinky sa panayam ng ilang mamamahayag kamakailan.

“Ang convention na ito ang pinakamalaking magnet ng mga turista na ang mahilig sa diving. Magiging mabenta dito ang Pilipinas, lalo pa’t kilala tayo sa ating world class beaches, marine sanctuaries at dive sites,” banggit ni Rep. Jinky, Vice Chairperson ng House Committee on Tourism.

Ayon kay Rep. Jinky, isa sa kanyang legislative priority ang Verde Island Passage na kilala sa tawag na VIP ay isang makipot na lagusan na naghihiwalay sa Luzon at Mindoro.

“When marine experts and conservationists talk about the VIP, one would often hear that it is the “center of the center of marine shore fish biodiversity,” sabi ni Rep. Jinky.

“Alam na alam ng mga dive enthusiasts ang Coral Triangle na kung saan may 500 na species ng reef-building corals at one-third ng lahat ng coral-reef fish species sa buong mundo. Ang Coral Triangle ay nasa paligid ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, Solomon Islands at Timor-Leste. Sa pinakagitna ng Coral Triangle ay ang Verde Island Passage.”



Kaya ang VIP ang sentro ng sentro pinaka diverse na marine ecosystem sa buong mundo,” dagdag pa ng mambabatas.

“Ang mga nagda-dive sa VIP ay waring nadadala sa ibang daigdig. Isa itong underwater wonderland ng giant clams at coral reefs, na kung saan napakaraming mga makukulay na reef fishes, hump head wrasses, anthias, eels, nudibranchs, frogfishes, seahorses, hawksbills, olive ridley at green turtles. Karamihan sa mga sea creatures na ito ay dito lamang masisilayan,” pahayag pa ni Rep. Jinky.

Sa buong Batangas, kilalang resort town at pinakamagandang dive sites ang bayan ng Mabini dahil dito matatagpuan ang Anilao, Bauan, San Luis, Lobo at Tingloy island.

Sa interview, mababanaag sa mukha ni Rep. Jinky ang lungkot. “Nalugi ang industriya ng torismo sa ating bansa bunga ng covid 19 pandemic. Nagsarado at suspendido ang operasyon ng mga hotels, resorts at tourist destinations. Nagresulta ito ng kawalan ng milyong trabaho at kabuhayan. Nagdulot din ng pagbagsak ng ating ekonomiya na nararamdaman pa nating hanggang sa ngayon.”

“I commend the Department of Tourism, headed by Secretary Frasco, for being very aggressive in promoting and welcoming back tourists and visitors in our country. I believe that the sending of this Philippine delegation to the 2022 DEMA would achieve the objective not only of marketing the country’s dive sites but it would also create awareness on our government and local community’s serious and diligent efforts in preserving our wealth of marine resources, highly diverse coral reefs, pristine waters, mangrove forests, seagrass meadows and coastal environs,” sabi ng mambabatas.

Sa pagpapatuloy ng aming interview, nabanggit din ni Rep. Jinky ang pakikipag-ugnayan niya sa Department Health (DOH) para sa kaukulang hakbang upang maiwasan ang “outbreak” ng hand, foot and mouth disease (HFMD) na kadalasang 10 taong gulang na bata ang dinadapuan nito.

Tuloy-tuloy din ang koordinasyon ng district office ni Rep. Jinky sa iba pang mga barangay na nasasakupan ng Batangas 2nd Congressional district para sa pagsasagawa ng kinakailangang disinfection lalo na sa mga paaralan.

Kabilang dito ang pagdedeklara ng ilang araw na suspensiyon sa klase partikular ng mga mag-aaral sa day care center hanggang grade 3 level sa ilang lugar dito at mabilis rin nagsagawa ng massive disinfections sa iba’t-ibang barangay.

Ang sabi ni Rep. Jinky bagaman wala na ang pangamba sa “outbreak” ng HFMD, hindi pa rin nagpakampante ang mga lokal na opisyal upang matiyak na tuluyan nang mapuksa ang naturang sakit.

Kumilos agad ang San Pascual LGU matapos may maiulat na ilang bata ang tinamaan diumano ng nabanggit na karamdaman.

Base sa pinakahuling monitoring report na kanyang natanggap mula sa Rural Health Unit (RHU) ng bayang ito, mayroon lamang dalawang suspected cases ng HFMD ang naitala at tiniyak naman sa kanya na naipatutupad ang kaukulang health protocols at medical procedures.

Nagbigay katiyakan naman ang DOH na mayroon itong sapat na mga gamot, medical supplies at personnel sakaling kailanganin ng mga residente sa kanyang distrito.

Nagpa-abot ng lubos na pasasalamat si Rep. Jinky sa DOH sa mabilis nitong aksyon at koordinasyon.

Ang legislative priorities ni Rep. Jinky, ang mga sumusonod: Universal Scholarship (Bitrics Scholarship), Unversal Social Pension (Bitrics Pension), Universal Social Housing (Pamayanang Bitrics), Institutionalization of Tourism Industry in Verde Island Passage, Batangas – 2nd District Agricultural Center, Octogenarian Award at Localization of Job Opportunities.

Ngayong 19th Congress, kaanib si Rep. Jinky sa mga House standing committees. Vice Chairperson siya ng committees on Justice, Public Accounts at Tourism; at member ng committees on Agriculture and Food, Appropriations, Dangerous Drugs, Energy, Health, Housing and Urban Development, Labor and Employment, National Defense and Security, Public Works and Highways, Social Services at Ways and Means.

At bilang miyembro naman ako ng Tropang Paa (TP), nais kong samantalahin ang pagkakataong magpasalamat kay Rep. Jinky at sa kanyang mabait na asawang si dating Mabini Mayor Noel Luistro sa pag-imbita sa amin.

Hangad ng bumubuo ng TP ang inyong patuloy na serbisyo publiko na walang hinihinging kapalit, tapat at makataong paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat din kay Boss EJ Gutierez at sa kanyang mabait at maasikasong tatay, sa mga naghanda ng pagkain at nag-ayos ng aming tutulugan, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!

Mabuhay ang Batangueno!