Advertisers

Advertisers

Bulldogs balik wisyo kontra Blue Eagles 78-74

0 167

Advertisers

Laro sa Sabado
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – UE vs UP (Men)
1 p.m. – UST vs AdU (Men)
3 p.m. – NU vs FEU (Men)
6:30 p.m. – Ateneo vs DLSU (Men)

BALIK sa kanilang wisyo ang National University, sa paglapa sa astig na Ateneo de Manila University, 78-74, sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ang unang panalo ng Bulldogs laban sa Blue Eagles mula nung September 11, 2016 o mula Season 79 nang pamunuan ni Rev Diputado at Matt Salem ang una sa 70-60 tagumpay.



“At last, napunta rin sa amin ‘yung swerte. Kumbaga for the past few games yung swerte hindi napupunta sa amin although we worked hard,” sambit ni NU coach Jeff Napa.

“Happy ako na nag live up sa challenge na naman ‘yung mga batang ito. Sabi ko nga diba kailangan mag-step out sila sa shadow ko,” patuloy pa ng second-year Bulldogs head coach.

Humagis sina Kai Ballungay at BJ Andrade ng Blue Eagles ng apat na sunod na puntos para itabla ang laro sa 72 may 46.7 seconds ang nalalabi sa orasan.

Ngunit tinanghod ni Jolo Manansala ang layup sa kabilang dulo para ibigay sa Bulldogs ang panibagong bentahe, 74-72, bago pumitik sina Mike Malonzo Dave Ildefonso sa pagpatuloy na aksiyon.

Sumimple si Ateneo’s Kean Baclaan sa linya para sa free throws bago muling nailatag ni Malonzo ang malagkit na depensiba.



Inabatan niya ang pagpasok ni Andrade sa huli habang wala pa rin siyang postura para makuha muli ang possession.

Naitarak ni Malonzo ang charities para sa 76-72, may 15.5 ticks bago tuminggal ng layup si Ange Kouame may 5.1 segundo ang natitira.

Ngunit pinalamig ni Patrick Yu ang laro, 2-of-2 mula sa free throw line para sa tagumpay ng Bulldogs.

Nagsalbing bayani si Manansala na may 17 points, 11 rebounds, tatlong assists, dalawang steals, at dalawang tapal sa tanging 20:42 tiyempo sa loob. (Louis Pangilinan)