Advertisers

Advertisers

Evacuation centers kailangan sa mga bahaing lugar; at P1K each beer in can sa Bilibid

0 370

Advertisers

KAILANGAN nang magpagawa ng sariling evacuation centers ang bawat bayan o lungsod na madalas lumubog sa baha.

Oo! Hindi puwedeng sa bawat bagyo nalang ay sa mga pampublikong paaralan ihihimpil ang mga evacuee. Maaapektuhan naman nito ang pag-aaral ng mga bata.

Minsan pa ay may mga evacuee na “baboy” ang pag-uugali, sinisira ang mga gamit sa loob ng classroom, at nag-iiwan ng tambak na basura.



Tulad lang ng nangyari sa isang classroom sa eskuelahan sa Las Pinas City, sinira ang mga blackboard at grabeng kalat ang iniwan ng evacuees nitong nagdaang bagyong Paeng. Nakakagalit!

Kaya yung mga bayan o lungsod na prone sa baha tuwing malakas ang ulan o bagyo, dapat nang magpatayo ng sariling evacuatin centers ang local government unit nito. Lumapit kayo sa inyong congressman, nasa kanila ang pondo ng inyong distrito. Mismo!

***

Nabuking sa ginawang pagsalakay ng grupo ng bagong liderato ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga iligal at pananamantala ng mga opisyal o kawani ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nakakumpiska ang mga tao ni BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang ng higit pitong libong beer in can na ang halaga raw bawat isa ay sobrang nakalalasing, P1K!; mga cellphone, mga itak, libu-libong pera, at shabu!



Ang raid ay ginawa para raw hanapin ang nawawalang cellphone ng inmate na si “Jun Villamor”, ang “pinatay” na isa sa middlemen sa pagpaslang sa hard-hirring radio commentator at tabloid columnist na si Percy Lapid.

Say ni Catapang, mga dating opisyal ng BuCor na mula sa BJMP na inilagay ng suspended BuCor Director General Gerald Bantag.

Si Bantag ay sinuspinde nang mapasama ito sa “persons of interest” sa mga mastermind ng pagpaslang kay Lapid noong Oktubre 3.

Isa kasi si Bantag sa mga binomba ni Lapid sa kanyang programang “Lapid Fire” sa radio DWBL, kungsaan ibinunyag ng huli ang biglang pagyaman ng BuCor chief simula nang italaga ni noo’y President Rodrigo Duterte.

Sa mga natuklasan ni Catapang sa raid sa Bilbid, aba’y talagang magiging multi-millionaire ang sinomang maitalagang bosing ng BuCor. Oo! Dito sa P1K per in can ng beer, tingin mo ba walang parte rito ang BuCor official? At sa tingin nyo ba maipapasok ang kahon kahong alak sa Maximum Compound ng NBP kung walang bendisyon ng hepe ng BuCor? At basta ba papayag ang opisyal ng walang tongpats? No way!

Kaya itong preventive suspension ni Bantag, tuluy-tuloy na ito. Malabo na siyang makabalik sa BuCor. At delikado pang siya’y mabulok sa Maximum Compound kapag napatunayang may kinalaman siya sa pagpa-paslang kay Lapid. Mismo!

Bakit kamo? Dito sa mga person of interest na mga taga-Bilibid, sa tingin mo ba’y basta sila kikilos para patayin si Lapid nang walang makapangyarihang nag-utos sa kanila? Eh hindi naman sila nabanatan ni Lapid at hindi sila kilala ni Lapid. Si Bantag ang inupakan ni Lapid sa radio at vlog!

Kaya naman nabunyag itong mga middlemen na taga-Bilibid ay dahil sa pagkanta ng sumukong gun man na si Joel Escoliar, na nagsabing sa loob nanggaling ang nag-utos sa kanila para likidahin si Lapid. Yun na!