Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG October 21 ay birthday ni Jaclyn Jose. Pero hindi siya binati ng anak na si Andi Eigenmann.
Kaya naman may hugot ang beteranang aktres sa kanyang post sa Instagram account nitong Martes, Oktubre 31 na hindi siya binati ng anak at ng fiancé nitong si Philmar Alipayo.
Pinost ni Jaclyn ang larawan niya kasama ang anak na lalaki na si Gwen Garimond Ilgan Guck na nag-dinner sa nakaraang kaarawan nito at binanggit din ng aktres ang panganay na apo na si Ellie, dahil binati siya nito sa pamamagitan ng face time.
Ang caption ng premyadong aktres, “Thank you anak for having my Bday wonderful, and Ellie apo ko for the face time in greeting me. I Love you.”
Sa sumunod na post ni Jaclyn ay pinasalamatan niya ang lahat ng bumati sa kaarawan niya at saka niya ibinuking na dedma si Andie sa kaarawan niya.
Aniya, “Salamat! So much appreciated! Love you all. Sana bumati si Andi para mas complete. Oh well, I am good. Salamat talaga sa effort sobra.”
Well, ano kaya ang dahilan at hindi man lang nagawang batiin ni Andi si Jacklyn sa espesyal na araw nito?
***
SA kanyang latest YouTube video kung saan ibinahagi ni Elha Nympha ang pagkanta niya ng cover song na Wonderful Tonight, may mga netizens ang nag-nega at pumuna sa naging rendition niya ng kanta.
At binweltahan naman niya ang mga ito.
Sabi ni Elha, “Sa mga nagsasabing mas maganda yung or ang pangit ng cover na to edi sana pina billboard niyo gawa kayo ng sariling niyo cover na mag sasatisfy ng expectations niyo di ko kayo need i please.”
Dagdag pa niya, “I’m doing may own thing and wala akong pake sa inyo except for my TRUE FANS.
“Libre naman maging mema at nega pero wag sa channel ko pero thank u padin daming views and im gaining because of u all hehehehhehe thank u all.”