Advertisers

Advertisers

Jak nanganganib maagaw ni David ang dyowang si Barbie

0 219

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MALAKAS ang clamor ng ilang kafaneyan na gawing love team partners sina Barbie Forteza at David Licauco.
Nakita kasi ang kanilang chemistry nang magsama sila sa “Maria Clara at Ibarra” kung saan ginagampanan nila ang papel nina Klay at Fidel de los Reyes.
Katunayan, dahil sa maraming super kilig sa kanilang mga eksena sa nasabing hit historical series, nagkaroon ng tandem na FiLay.
Dahil dito, hirit ng mga mahadera, nanganganib daw ang real life sweetheart ni Barbie na si Jak Roberto sa tsinito aktor na si David na makalaglag-panty ang mga taglay na pang-akit sa millennial actress.
Sa closeness daw nila sa set, hindi raw kaya ma-develop sila sa isa’t-isa lalo pa’t may kasabihang out of sight, out of mind.
May mga nagmamaldita ring hindi raw kaya maging totohanan na ang hiwalayan ng JakBie dahil hindi naman na aktibo ang kanilang love team.
Malaking factor din na among Kapuso hunk actors, mas favored si David kay Jak dahil nabibigyan ng lead roles ng
Kapuso network kung saan nakapareha na nito sina Julie Anne San Jose at maging si Barbie sa Mano Po Legacy.
***
PAGPAPALABAS ng restored version ng “Kisapmata” sa QCinema, iniatras ni Mike de Leon
Iniatras ng magaling na director na si Mike De Leon ang pagpapalabas ng restored version ng ‘Kisapmata’ mula QCinema 2022, na nakatakda sanang mapanood sa mga sinehan mula Nobyembre 17-26 ngayong taon.
“I have withdrawn ‘Kisapmata,’ Sayang, I really wanted it shown on the big screen. QCinema has been more than cooperative, they are not to blame,”ayon kay Direk Mike.
Ang 1981 psychological film na idinirehe ng pamosong director ay pinagbibidahan nina Vic Silayan, Charo Santos, Jay Ilagan, at Charito Solis. Ito ay mula sa screenplay nina De Leon, Clodualdo del Mundo Jr., at Raquel Villavicencio na halaw sa crime reportage ni Nick Joaquin na “The House on Zapote Street.”
Gayunpaman, ang premiere ng isa pa niyang restored film na “Itim” na nagpanalo kay Charo bilang Asia’s best actress ay mapapanood sa pinakaabangang film festival ng taon.