Advertisers

Advertisers

Julia naitago ang pagbati sa bertdey ng labs na si Coco

0 221

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TILA may hugot si Jaclyn Jose sa di pagbati ng Happy Birthday ng anak na si Andi Eigenmann.
Halos lahat ay bumati sa special na araw ni Jaclyn noong October 21.
Buti na lang medyo naibsan ang kalungkutan nito dahil ang panganay na apo na si Ellie ay nag greet sa kanyang Lola.
Kaya sa post ni Jaclyn ay iisa na lang ang hinihintay nitong pagbati, mula sa kanyang anak na si Andi.
Pero lumipas ang kaarawan ng aktres ay walang pagbati sa anak na si Andi kahit sa manugang na si Philmart Alipayo.
Napaisip naman ang netizens na baka may tampuhan ang mag-ina.
Samantala, abangers naman ang mga Maritess kung babati si Julia Montes sa kaarawan ng rumored bf na si Coco Martin.
November 1 ang kaarawan ni Coco pero walang pagbati man lang na nabasa ang netizens kay Julia.
Hinahanda na kaya ng rumored magdyowa na maging pribado na lang ang kanilang personal life kaya di na showy sina Coco at Julia sa socmed.
Matagal na rin kasi di nag-update si Julia sa kanyang socmed at si Coco naman ay tuluyan nang di activated ang account dahil sa isyu ng franchise.
Kaya bitin naman ever ang mga Maritess kung ano nga ba ang pa-bertdey ni Julia kay Coco.
***
Diego dinedma si Barbie sa bar; second chance malabo
MUKHANG enjoy si Diego Loyzaga sa binalikan nitong girl na current gf nito ngayon na si Alexi.
Sa mga post pics ng dalawa sa socmed ay kita na enjoy ang bawa’t isa at tila always silang nasa cloud 9 kung makikita ang larawan ni Diego at gf na si Alexi.
No comment naman si Diego sa salpukan ng ex-gf na si Barbie Imperial at Vivamax starlet na si Debbie Garcia sa isang bar.
May mga nagtatanong ngang netizen kung may tsansa pang balikan sa dalawa.
Malabo na nga raw ‘yun ayon pa sa fans ni Diego.
Kaya ang ini-expect na balikan sa dalawa ay impossible na lalo na nga raw at may bago na ang anak ni Teresa Loyzaga sa katauhan ni Alexi.
Patotoo pa nga ng netizen nang mag kita sa isang bar sa BGC noong Halloween si Barbie na ngingiti-ngiti kay Diego ay dinedma lang ito ng anak ni Buboy.
Well, well, well…’Yun na!