Mommy Pinty Gonzaga, May Pa- Halloween Costume Sa Kanyang Birthday; Newest Pop Artist TERA Pang- International Ang Dating
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
SA kanyang kaarawan nitong Nob. 1 ay dinumog ng kaliwa’t kanang pagbati at regalo ang famous Mom at well-loved sa showbiz na si Mommy Pinty Gonzaga.
At isang araw bago ang birthday ni Mommy Pinty ay nagpa-pictorial ito na naka-costume ng pang Halloween kasama ang husband si Daddy Carlito “Bonoy” at daughter na si Alex Gonzaga. Na ayon pa sa caption ni Alex sa kanyang Youtube Channel ay request daw talaga ng kanyang Mommy Pinty na mag-outfit ng ganun para sa viewers ng vlog nila ni Daddy Bonoy, na tinatawag nilang mga ka-maintenance.
Well, in all fairness pang portrait ang post ni Mommy Pinty rito at gwapong-gwapo naman si Daddy Bonoy. Nagpahatid pala ng pasasalamat si Mommy Pinty sa kanyang IG sa lahat ng bumati sa kanyang natal day.
“From the bottom of my heart, thank you to all who sent their birthday greetings and gifts. Sooo much appreciated netizens ka-maintenance, friends, relatives, business associates and of course family. I love you all and Godbless.”
From all of us here at Police Files Tonite, Happy Birthday Mommy Pinty.
***
BAGO ipakilala at ilunsad sa magarbong media launch, animo’y training sa Korea ang pinagdaanan ng baguhang Pop Artist na si TERA na mina-manage ng manager nina Jane de Leon, Kelvin Miranda, etc. na si Tyronne Escalante.
Yes, para sa kanyang dance training ay kinuha ng Merlion Events Productions at Tyronne Escalante Artist Management ang serbisyo ng beteranong choreographer na si Douglas Nierras kasama sina Chrisy Sawada at Froi Dabalus. At para naman sa kanyang voice training ay sa Yupangco Music Academy hinasa ang pagtugtog ng piano.
Nag-voice Masterclass naman si TERA kay Monet Silvestre at naghasa rin sa Madz Studio with coach Alfred Samonte. At dahil sa handa na at lutong-luto, nitong Okt. 25 ay ipinakilala na si TERA sa Entertainment Media sa Ballroom ng SEDA HOTEL.
Halos lahat ng invited na press people kabilang ang inyong columnist ay napa-wow at humanga sa performance ni TERA para sa debut single na “HIGHER DOSAGE” na ang said recording artist ang nag-composed.
Ipinanood din ang Music Video nito na big budgeted talaga at mala-MV ng mga kilalang foreign artist. Ayon pa kay TERA ay malapit niyo na itong ma-download sa SPOTIFY. Kinanta rin ni TERA ang dalawa pang sinulat na kanta na “FACADE” at “DILIM.”
Sa kabuuan ay meron daw siyang 200 original compositions sa kanyang cellphone at wish niya na makanta ito ng mga kilalang singers. In all fairness, napaka-talented ni TERA at pang international ang kanyang dating just like her idols Lea Salonga and the late Michael Jackson. Malaki ang potential nito na sumikat.
***
BAMBOO B, Promising Indie Actor At Artist Of The Year Sa Ist Dakilang Filipino Awards
At his early age ay padami nang padami ang achievements ni Bamboo B bilang actor at singer. Last October ay tumanggap na naman si Bamboo ng bagong parangal na “Promising Indie Actor at Artist Of The Year” sa Ist Dakilang Filipino Awards.
Kahanay niyang tumanggap ng award ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz, Yasser Martha, Elija Alejo, William Martinez at iba pang actor and actresses.
Well, talaga namang may karapatan si Bamboo sa tinanggap na award lalo’t lumilikha siya ng pangalan sa indie at musika. Ilan sa nagawa nitong indie movies ay ang Genuis Teens at ang pinagbidahan nila ni Joaquin Domagoso at former PBB housemate na si Andi Abaya sa “Caught In The Act” na dinirek ni Perry Escano na director din ng critically acclaimed film na “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na naging entry sa Cinemalaya 2017.
May entry film din sina Bamboo na “The Purnish” sa Cinemalaya na ipinalabas sa iba’t ibang bansa na nanalo ng international awards gaya sa Manhattan Intl Film Festival. Pagdating naman sa kanyang singing career ay hindi nawawalan ng guesting si Bamboo sa iba’t ibang events at nakapag-perform na rin sa Mall of Asia Arena.
This November ay nakatakdang i-release ang bagong single ni Bamboo B na “KATUPARAN” na distributed by Star Music. Ang Backstage coach ng Tawag ng Tanghalan na si Froilan Canlas ang nag-composed nito at may Music Video ang nasabing awitin na ayon pa kay Bamboo nang amin siyang ma-interview sa awards night ng Dakilang Filipino Awards ang song niyang Katuparan ay story about someone and something for GOD. Yes, isa itong inspirational song na tiyak na marami ang mai-inspire kapag narinig nila ang kantang ito. “This is about fulfillment na pwedeng ialay kay GOD. Yan po ang mensahe ng kanta,” say pa ng guwapong singer na baby ni Mommy Josie.
Very proud si Mommy Josie sa mga achievements ni Bamboo, at excited na ito sa release ng new single ng anak na Katuparan. By the way, narito ang mensahe ni Bamboo sa tinanggap na bagong award.
“Sa dinami-dami na mabibigyan ng award ay isa ako sa naging awardee nito. This another pleasure and honor. Siyempre wala ito kung wala ang mga supporters ko. Syempre lalong-lalo na si GOD.”