Advertisers
MAHIGIT 7,000 lata ng beer, P50,000 cash, iba’t ibang uri ng armas at iligal na droga ang nasamsam sa “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nitong Miyerkoles.
Bukod sa mga alak na nagkakahalaga ng P1,000 bawat isa, nakakuha rin ang mga prison guard ng mga baraha, cellphone at laptop.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregoio Catapang Jr., isinuko ang mga kontrabando ng mga gang leader matapos ang isang dayalogo.
Nag-take over si Catapang bilang BuCor Director nang ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang suspensyon kay Director General Gerald Bantag.
Kaugnay ito sa pagkamatay ng bilanggong si Jun Villamor, na nagsilbi umanong ‘‘middleman’’ na nag-hire ng gunmen upang patayin ang brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong Oktubre.