Advertisers

Advertisers

Andrea pinuri sa pagiging baliw sa serye

0 269

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI sukat akalain ni Andrea Torres na ang role niya bilang baliw na si Sisa sa “Maria Clara at Ibarra” ay mapapansin ng mga manonood at maging mga kritiko. Una na ngang nabigyan ng papuri sa kanyang pagganap bilang si KIay si Barbie Forteza.
Hindi pumasok sa isipan ni Andrea na mapapansin pala ang kanyang akting na baliw-baliwan. Hindi lang televiewers kundi pati na rin ang dalawang batang gumanap bilang anak ni Sisa na sina Crispin at Basilio ay napahanga sa galing ng kanilang ‘inang baliw’ sa pag-arte.
“Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong na-appreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best,” say sa caption ni Andrea sa isang larawan na ini-upload ng Kapuso actress sa kanyang socmed account.
Samantala, say naman ng dalawang bata kay Andrea,
“Galing galing inaaayyy congrats po.”
May isang nagkomento rin na nagsasabing sa pinakitang akting at eksena ni Sisa sa “Mariia Clara at Ibarra” ay nag-level-up daw ang pananaw nila sa karakter ni Sisa sa Noli Me Tangere.
“Hopefully from now on hindi na po maging laughingstock si Sisa during school roleplays since people finally understand her, thank you po and ang galing niyo po gumanap bilang Sisa ate andrea !!”
***
DIRETSAHAN nang sinabi ng baguhang sex nymphet na si Denise Esteban na noong first time nakita at nakasama niya sa eksena ang kanyang leading man sa “Kara Krus” na si Adrian Alandy ay napatanong sa sarili si Denise hinggil sa age gap nilang dalawa ng kanyang leading man. Halos kalahati na ng edad ni Denise si Adrian.
Tumatakbo ang istorya ng “Kara Krus” sa isang may-asawang babae na nabigla na lang nang sumulpot sa eksena ang kanyang kakambal.
Sa pagpasok ng kakambal ay tuluyan nang nagbago ang dating tahimik at masayang samahan ng couple na ginampanan nina Denise at Adrian.
“Kuya Adrian is okay, magandang katrabaho. But when I learned he’ll be my leading man, nahiya ako kasi mas senior siya sa akin. At malaki ang age gap namin kasi 42 na raw siya and I’m 20. But when we started shooting, hindi ko naman naramdaman na mas matanda siya sa’kin.
“Naging okay naman kami, kasi mas malawak ang experience niya compared to me and he’s really very helpful lalo sa love scenes namin, dahil sobrang challenging ang mga pinagawa sa amin dito,” a say ni Denise
Ang “Kara Krus” ay mula sa pamamahala ni direk GB Sampedro. Tampok din dito sina Felix Roco, Joko Diaz, Ali Asistio, Andrew Muhlach, Mickey Ferriols, Manu Respall, at iba pa. Streaming now exclusively on all Vivamax apps.