Advertisers

Advertisers

ANO ANG PROBLEMA NATIN KAY CASCOLAN?

0 174

Advertisers

DAPAT ba natin kwestiyunin ang lahat ng balakin ng ating Pangulo? Ito ang laging pumapasok sa aking isipan, kapag may nagtatanong kung bakit naitalaga ng Pangulo ang isang indibidwal, halimbawa, sa isang posisyon.

Tulad nitong pagkaka-appoint kay Retired Police General at dating Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health (DOH).

Tumaas ang mga kilay ng karamihan at bakit raw may dating pulis na manunungkulan sa Kagawaran ng Kalusugan?



Ano ang gagawin ng dating pulis na ito sa DoH? Ang tanong ng iba. Ano ba ang problema natin kay Cascolan?

Para malinaw, si Cascolan ay bahagi ng 1986 Class ng Philippine Military Academy (PMA). Graduate siya dito, at yumabong ang career hanggang maging PNP Chief. Ang kanyang kakayahang pamunuan ang pambansang kapulisan ay sapat na, para tugunan ang pagkakatalaga sa kanya, bilang DoH Undersecretary.

Nilinaw na rin ito ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBMM). Inappoint niya si Cascolan para pamunuan ang administratibong sangay ng Kagawaran. Maari niyang baguhin ang maling makikita niya sa pamumuno nito. Maging ang mga ‘sindikato’ sa departamento ay maaari niya ring matuklasan.

Di na kinakailangang tapos siya ng pagduduktor kung ganitong ‘function’ lang ang kanyang gaganaping papel sa DoH.

Kaya nga maging ang opposition senator na Sen. Risa Hontiveros, na ang asawa ay ka-batch ni Cascolan sa PMA, ay nakikisuap na bigyan ng pagkakataon ang dating opisyal ng kapulisan na ipakita ang kanyang kakayahang sa pamumuno, upang tulungan ang administrasyon ni PBBM na makapagbigay ng tunay na paglilingkod para sa bayan.



Pangalawa, inialok ni PBBM ang posisyon sa maraming mga doktor pero tumanggi ang mga ito na hawakan ang bakanteng puwesto. Kaya nga maging ang posisyon ng pagiging kalihim ng DoH ay hanggang ngayon bakante pa.

Takot ang marami na maitalaga sa posisyong ito, dahil napakadelikado ng pwesto.

Wala tayong magiging problema kay Cascolan sa pagiging Usec nito ng DoH. Makakasa pa nga tayo na pihadong may maibubulgar itong katiwalian ng Kagawaran sa mga darating na panahon.