Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGKAROON ng pagkakataong sagutin ni Mariel Rodriguez-Padilla ang most googled searches tungkol sa kanya ng netizens.
Pagbabalik-tanaw niya, sa India raw sila ikinasal ng kanyang katuwang sa buhay na si Sen. Robin Padilla.
Bagama’t gusto rin niya na magkaroon sila ng wedding sa Pinas, malabo pa raw mangyari ito dahil tila mahirap nang maibalik ang dati niyang balingkinitang katawan.
Gayunpaman, wala raw naman siyang regrets sa hitsura niya ngayon.
Type rin daw kasi niya na kung ikakasal siya ay iyong naibalik na niya ang dati niyang pigura lalo pa’t bet niyang magsuot ng white gown.
Favorite dish daw ni Robin ang kanyang specialty na beef salpicao.
Sa vlog, ibinahagi rin niya kung bakit no show siya sa SONA para suportahan ang hubby na si Binoe.
Aniya, nagka-Covid daw siya noon at hindi rin daw siya kumportable sa kanyang pangangatawan.
Aminado rin siyang malaki ang itinaba niya kaya naman, karamihan sa mga damit niya ay hindi na niya nagagamit.
Adik din daw siya sa pagbili ng signature o branded items na bags pero iyon daw ay pinag-ipunan niyang talaga.
Sinabi rin niya na madalas na napagkakamalan siyang suplada pero ang hindi raw alam ng nakararami ay may problema ang kanyang pandinig.
So kapag kinausap mo raw siya, hindi siya agad nakasasagot dahil sa mahinang pandinig.
Nabingi raw siya dahil madalas siyang magkalikot ng mga tenga para linisin ang mga ito.
Nagkaroon daw ito ng inflammation pero hindi raw naman dumating sa puntong naging disastrous na ito sa kanyang health.
Sa YouTube channel niya, naurirat din siya kung bakit siya sumabak sa live selling.
Ani Mariel, nagsimula raw ang lahat noong kumandidato ang kanyang mister na si Robin bilang senador.
Kailangan daw niya ng pondo para makatulong na tustusan ang kampanya ng kanyang kabiyak.
Sa ngayon, nae-enjoy na raw niya ito kaya kinakarir na niya.
Katunayan, gusto raw niyang maging live seller ng mga stars kung saan ang hand-me-downs ng mga artista ay puwede niyang ibenta online.