Advertisers
Teddy Alfarero, Rey Cuenco, Jack Tanuan, Ric-Ric Marata, Jerome Cueto at Dong Polistico ay ilan lang sa mga basketbolista na mga gumawa ng pangalan mula 1980s na sumakabilang buhay ng maaga. Mga 30 o 40 anos lang nang sila’y malagutan ng hininga,
Ito ngang si Gilbert Bulawan ay 29 pa lang nang permanenteng ipikit ang mga mata at kauna-unahang aktibong player na tinawag na ng Dakilang Lumikha.
Si Arnie Tuadles na nakikilala nating miyembro ng Toyota noon ay naging malagim ang naging katapusan. Nabaril siya at nasawi sa isang pasugalan sa San Juan.
Tapos si Rogelio “Tembong” Melencio ay nasaksak at namatay sa may paligid ng Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Baby Dalupan, Tito Eduque at Ning Ramos ay mga legendary coach mula pa dekada 70 na pumanaw na rin Ire naman si Caloy Loyzaga, Lauro Mumar pati ang mas batang si Ed Ocampo ay mga pamosong pambansang manlalaro bago naging mga matagumpay na bench tactician. Kinuha na rin sila ng Panginoon.
Mga kanilang hanay sa mundo ng paborito nating laro ang ating inaalala sa linggong ito. Ginugunita natin kanilang kakayahan at ambag sa basketball world ngayong undas. Siyempre extra na pasasalamat sa mga nagsuot ng national jersey.
May God bless your souls!
***
Sa wakas nagwagi rin ang LA Lakers matapos ang una nilang limang game na puro talo. Nadaig nina LeBron James sina Nikola Jokic.
Gumanda shooting percentage nila sa dos pati na rin sa tres. Naka-47.9 % sila sa pagbuslo na 43.3% sa rainbow territory.
Naka-80% pa sila sa free throw. Tapos nalimitahan nila kanilang mga turnover sa single digit na 9. Came off the bench si Russell Westbrook sa ikalawang sunod na laro. Nagampanan naman niya ang papel ng buong husay dahil bumaba kanyang error at tumaas kanyang accuracy sa field. Naka-18 points siya, 8 assists at 8 rebounds.
Bukod diyan napanatili nila ang matinding depensa na nagresulta ng mas mababang percentage nina Jamal Murray.
Para raw ngang nanalo na ng finals ang atmosphere sa dugout ng prangkisa ng mga Buss. Pinaliguan pa si Coach Darvin Ham sa tuwa ng mga player. Ang crowd may libreng taco pa na promo ng isang resto dahil sa W.
Pero teka, malayo pa ito para umabot sila sa .500 na marka. Matagal pa ang season.
Kaya ba nilang i-sustain ang run. Hindi ba lalala ang back pain ni Anthony Davis? Makatulong ba pagnakarecover sa finger inhury si Dennis Schroder? Hindi ba habulin ni Father Time si LBJ? Abangan!