Advertisers

Advertisers

Scout Borromeo sa Kyusi, Holywood Lane ng Pinas; Chase Romero bida na sa pelikula ng KSMBPI

0 897

Advertisers

INAASAHAN nang mapupuno ng madlang pipol ang kahabaan ng Scout Borromeo sa Quezon City ngayong Nov. 30, 2022.
Ito ay mangyayari sa sandaling maaprubahan ang ordinansang idinulog ni Dr. Michael Aragon, organizer ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilpinas, Inc. (KSMBPI) sa ilang mambabatas sa Kyusi na layong gawing Hollywood Lane ng Pinas ang nabanggit na lugar.
Narito ang nakasaad sa nabanggit na ordinansa:
AN ACT COVERTING SCT. BORROMEO STREET, QUEZON CITY INTO THE “HOLLYWOOD LANE” OF THE PHILIPPINES
A City Ordinance converting the entire street of Scout Borromeo located at Barangay South Triangle, DIstrict 4, Quezon City into a center/ landmark ( “Hollywood Lane” of the Philippines) dedicated to support activities related to filmaking/movie industry, entertainment arts and culture and to provide a FREE ZONE where artists and filmakers alike will be able to shoot and create movies “Permit Free” in the said area/ zone and to allocate funds and resources needed to create, operate, sustain and support this so called “Hollywood Lane of the Philippines ” into a novel tourist spot/ destination for both celebrities and their fans from the entire country.
Gaganapin ang Celebrities Atbp… Laban sa Climate Change/Emergency na libre para sa lahat at katatampukan ng ilang celebrities, mula alas-8 ng gabi.
Maliban diyan, tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula ni Dr. Aragon, kasalukuyang sinu-syut na ang Thanks for the Brokenheart na pagbibidahan ni Chase Romero. May-December affair ang tema nito na makatatambal ni Chase si Rey ‘PJ’ Abellana na gaganap namang doktor.
Sey ni Chase sa interbyu, malaki anya ang pasasalamat niya kay Dr. Aragon sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makapagbida sa pelikula sa unang beses.
Hindi na rin naman baguhan si Chase sa showbiz dahil nakagawa na siya ng ilang pelikula at serye bagama’t hindi kahabaan ang kanyang role, masaya naman anya siya na natutupad nang unti-unti ang kanyang pangarap na maging artista. (Blessie K. Cirera)