Advertisers
SA wakas ay nakatagpo ng isang matuwid at determinadong leader ang Department of Social Welfare and Development sa katauhan ni Sec.Erwin Tulfo.
Hindi lahat pero marami ang kruk sa naturang ahensiya na ang papel dapat ay kalingain ang masa anumang sekta,kulay at katayuan sa buhay partikular sa mga maralitang kalunsuran at kanayunan.
Nasapol ni Sec.Erwin ang matagal nang masamang kustombre ng maraming mga kawani ng kagawaran lalo na iyong mga nasa regional offices na sobrang byurokrasya ,red tape at mga pagong kumilos kahit na nasa kalagitnaan ng emergency ang sitwasyong life and death at destruction of properties na ang taya sa panananalasa ng anumang uri ng kalamidad.
Mistulang target sa sport na archery,darts at shooting, BULLS EYE ang kainartihan ng mga naispatang opisyal ng DSWD sa lugar na sinalanta ng bagyo nitong nakaraang araw lang kung saan ay naghahanap pa ng kung anu-anong ID o papel na pagkakilanlan bago sila ayudahan kaya sinampolang patalsikin sila ng Kalihim sa puwestong ang dapat na nakatalaga ay makatao at mabilis umaksiyon ng walang imbot lalo’t nasa panahon ng krisis .Isang action man na tulad ni Sekretaryo ,ang siyang may timon sa krusyal na posisyon.
Ang mentalidad nila kasi ay utang na loob ng mga natutulungang mamamayan ang ibinibigay na ayuda ng kagawaran mula sa national government na nanggaling naman sa buwis ng taumbayan.Akala nila ay kanila ang tulong at donasyon na binibigay sa mga pobreng biktima ng katastropiya.
Isang klasikong kapalpakan ay iyong mamimigay ng bigas sa mga apektado na ang kailangan ay instant na pagkain at tubig na maiinom, di iyong isasaing pa ng nagugutom sa gitna ng sungit ng panahon.
Meron pang nagkanda-panis na lang ang mga pagkaing donasyon na di naipamigay dahil sa sinasala pa nila kung kakampi o kalaban ang mabibigyan( imagine, nakakapamulitika pa ang mga kampon ng diyablo sa panahon ng delubyo.
Grabe din nung sila ang may timon sa ayuda ng pandemya kakomplut ang local government units.
Pag walang krisis ay nagbabahay- bahay ang mga taga social welfare para daw sa survey,habang si meyor,si kupitan este kapitan ay kayang-kayang mag-haws to- haws sa panahon ng kampanya pero noong bigayan ng ayuda anu -anong paraan ang ginawa nila kaya mas marami ang di nakatanggap dahil sa bulsa nila napunta kahit kapkapan mo si Kap at si Sosyalwelper .Ngayon iba na ang lifestyle ng magkakomplut mambukol,hayahay ang buhay nila dahil sa pandemya.
Kaya saludo tayo sa mabilis na aksiyon ,( at magbigay ng leksyon sa mga kruk)ng administrasyon ngayon na naaayon sa lahat ng panahon.Mabuhay Sec Tulfo..Saludo Apo Bongbong!