Advertisers

Advertisers

Heart rumesbak sa basher, sinabihang mukhang butiki

0 193

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DAHIL sa isang social media influencer din naman ang Kapuso actress na si Heart Evangelista ay hindi siya ligtas sa mga matatalas na dila ng mga bashers at netizens.
Tulad na lang sa latest post ng aktres/host na si Camille Prats sa kanyang socmed account ng throwback piktyur nila ni Heart na magkasama silang dalawa sa show na “G-Mik” noong late 90s.
Isang savage comment ang kinomento ng basher at sinasabing..
“U look like butiki! Lol.”
Game na game naman itong sinagot ni Heart at tila nang-aasar din ang kanyang naging tugon sa ‘butiki’ comment.
“Omg I really tried to look like that. Buti ka pa effortless.”
Kahit sa mga latest photo ni Heart ay may nagkokomento rin na pumayat ang aktres at ikinokonekta pa ito ng mga netizen sa hiwalayan blues nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.
@catchapay: “Sobrang payat mo na po, parang hindi na siya healthy tignan.”
@Joifulworld: “Sobrang payat. Sobrang taba. Jeez. You guys just need to chill and let her be. Enjoy life like she does.”
***
AMINADO ang magaling na young actor na si Elijah Canlas na sa pelikulang “Livescream” siya nahirapan nang husto, bukod kasi sa mga intense scenes ay halos sa buong shooting ng pelikula ay nakahubad siya at punung-puno ng dugo ang kanyang katawan.
Epal na social media influencer na mahilig mag-prank ang role ni Elijah sa “Livescream’ na magsisimula na mapanood simula November 9 sa lahat ng Vivamax Apps. Isang araw, nagising na lamang siya sa isang kwarto at siya ay isang bihag.
Sa umpisa, akala niya na isang prank lang ito ng kanyang nobya pero nagbago ito nang nakatatanggap siya ng utos na gamitin ang ‘torture wall’, at kung hindi ay maparurusahan ang kanyang nobya at lola.
“I was topless and barefoot for most of the film too. Covered in fake blood and dirt everyday.
Had an accident during one of the stunts. But what’s most memorable is the fact that I had a ton of “niknik” bites. Grabe yung mga sand mites na yun. My body was so red and so itchy. You have no idea. Couldn’t sleep at some point during the lock-in. Nahirapan na rin huminga at times dahil umabot na siya sa leeg ko. It was wild!,” kuwento ni Elijah.
Kasama rin sa pelikula si Phoebe Walker bilang Amanda, ang girlfriend ni Exo na ginampanan naman ni Elijah at ang baguhang aktres na si Kat Dovey ang napili mula sa audition para sa role na online influencer na si Raiza.