Advertisers
TULOY ang martsa ng National University sa semifinals ng Shakey’s Super League Collegiate Pre- Season Tournament matapos ang humahagibis na tagumpay kontra Far Eastern University, Linggo sa Rizal Memorial Colesium.
Ang Bulldogs ay nangailangan lang ng isang oras at 19 na minuto para ma sweep ang Lady Tamaraws,25-10,25-17,25-15, at umabante sa knockout semis ng preseason tournament.
Ang reigning UAAP champion ay naipanalo ang lahat ng kanilang anim na laro sa Shakeys Super League sa ngayon.
“Nag-prepare talaga kami the previous week before coming to this game. Tiningnan namin ‘yung mga possibility ng kalaban namin, so ayun, nag-handa lang talaga kami ng mabuti,” Wika ni NU coach Karl Dimaculangan.
Pinakawalan ng National University ang kanilang opensa laban sa Lady Tams, umiskor ng napakalaking 53 points sa kanilang atake habang nalimitahan ang FEU sa 16 hits.Erin Pangilinan at Alyssa Solomon ang namuno sa scoring ng NU na 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.
Makakaharap ng National University either University of Santo Tomas or University of the Philippines sa knockout semifinals.