Advertisers

Advertisers

Andrew Gan mas kilala na bilang Jomari dahil sa KathNiel series

0 658

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

THANKFUL si Andrew Gan na naging bahagi siya ng top rating TV show ng ABS CBN na 2 Good 2 Be True na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Aminado ang guwapitong aktor na kakaiba ang naitulong sa kanya ng seryeng 2 Good 2 Be True.
Wika ni Andrew, “Iba ang naitulong sa akin ng show na ito. Nare-recognize ako ng mga tao as Jomari (name ng character ko) specially sa social media. Kung dati tinatawag nila akong Jethro (BL series name ng character ko), ngayon ay Jomari na.
“So, roon ko po napatunayan talaga na successful itong show na ito. Kasi lahat ng characters kilala ng mga tao.”
“Bale, ang role ko po rito, ako po si Jomari na bodyguard ni Kathryn na tutulong and magiging tulay kay Daniel ( Eloy) para maipakita iyong sweetness niya Kay Ali (Kathryn),” esplika pa niya.
Anong klaseng katrabaho ang KathNiel?
Lahad ni Andrew, “Sobrang magaan and totoong tao po sila. Mas more on si Kathryn ang nakakakuwentuhan ko dahil madalas kaming magkasama sa eksena.
“Si Kath is very genuine and very sincere na tao. Sobrang sarap kausap si Kath lalo na kapag about sa life and business. Ramdam na ramdam mo iyong pagiging totoo niya na napakahirap mahanap dito ngayon sa showbiz.
“And si Kath kapag kausap mo, talagang nakikinig siya sa iyo. Nakatatak sa utak niya ‘yung mga napagkuwentuhan nyo and ‘yung nangyari sa moment na ‘yun.”
Pagpapatuloy na kuwento pa ni Andrew, “Naalala ko ang first taping day ko, nag-order siya ng chicken, siyempre bilang first time ko sila makilala, inalok niya ako pero tumanggi ako kasi nahihiya ako. Then noong next cycle ng lock-in taping namin after one month na, nag-order ulit siya, then naalala niya na hindi ako kumain noong first time, Hahaha!”
Ano ang reaction niya na parang balik-ABS CBN siya?
“Freelance naman po ako kaya open po ako to work with any network.
“Opo, nagkaroon ako ng show sa ABS CBN noon, 2015-2016, before I transferred sa GMA. Sobrang thankful po ako kasi sa dami ng nag-aartista ngayon, naaaalala po nila ako,” masayang sambit ni Andrew.
“Yes po, kumbaga ay puwede akong lumagari sa ABS CBN at GMA-7,” pahabol na sagot pa ng aktor.