Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MARAMI raw natutunan si Jeric Gonzales kay Bea Alonzo.
“Si Bea, I was so inspired kasi grabe ‘yung professionalism niya, ‘yung work niya. Ang dami ko natutunan sa kanya talaga. Ang dami kong learnings na gagamitin ko pa sa mga susunod na projects. Ang sarap niya katrabaho and ginuide niya talaga ako dito sa Start-Up PH,” kuwento ni Jeric.
Masaya rin si Jeric dahil lumalaki na ang fandom ng Team DaDa nila ni Bea; si Jeric ay si Dave at si Bea naman ay si Dani sa Start-Up PH.
“Very happy, of course, sa mga comment at feedback ng mga viewers natin, mga Kapuso natin. Kasi, hindi ko inexpect talaga.
“Dream ko lang makasama si Miss Bea Alonzo, si Alden, and then si Yasmien. So, I’m happy na napapansin nila yung work ko sa Start-Up PH.”
Bonus pa para kay Jeric na nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan sa kanilang serye, sina Royce Cabrera (Jeff) at Boy2 Quizon (Wilson).
“Nagshi-share kami ng mga food namin and then in between takes, nagti-TikTok mga ganun, sayawan. And then, kanta ganun, ako kasi may dala ako palaging gitara.
“Unexpected friendship talaga ‘to na nabuo na kahit tapos na ‘yung Start-Up PH, parang hanggang ngayon magkakapatid pa rin kami, kahit tapos na, nagkikita-kita kami, ayun bonding kami. Naggi-gym, and then eventually nga may pinaplano kaming mga businesses,” masayang kuwento pa ni Jeric tungkol sa trio nila nina Royce at Boy2.
***
UMEERE na ngayon ang Unica Hija sa GMA na isa sa mga artista si Maybelyn dela Cruz.
Perfect timing daw ang offer sa kanya maging parte ng bagong Kapuso show na ito dahil na-miss niya ang pag-arte.
“I feel very grateful and honored to be part of this show dahil kasama namin magagaling na artista, magagaling na directors, ‘yung creative team mismo for them to come up with a story like this, ibang klase.”
Tungkol sa human cloning ang kuwento ng Unica Hija at ayon kay Maybelyn ay malapit sa puso niya ang konsepto ng Unica Hija dahil natulungan siya ng siyensa na maging ina sa kabila ng mga komplikasyon niya noon sa pagbubuntis.
“Siyempre, meron at merong iba’t ibang opinyon tungkol dito sa tema ng aming show but I think I agree with everyone who said earlier na this is all about acceptance.
“Kasi, at the end of the day, yung pagiging tao natin, kasi we are a person because of our humanity, how we accept other people and, ako, having a kid na produced by science, kahit sa ngayon marami ang nag-a-IVF, iba-iba pa rin naman ‘yung opinyon ng mga tao sa IVF e.
“Pero kung wala ang siyensa, wala yung acceptance ng bawat isa, papaano naman din kami?
“So I think for cloning for as long as siguro yung clone may emotions, may feelings, meron siyang humanity sa kanya, then dapat meron din siyang place sa mundo,” paglilinaw ni Maybelyn.