Advertisers

Advertisers

KC nagbalik-socmed para sa espesyal na tao; Dominic 1 year bago napasagot si Bea

0 181

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NI-reveal ni Bea Alonzo kung paano naging sila ni Dominic Roque.
Ayaw na nga sana muna umibig ni Bea dahil sa mga pagkakamali nito nung mga lumipas nitong relasyon
Hindi naging tagumpay ang mga lumipas na karelasyon ni Bea kaya kaya buo sa desisyon nito na ayaw na muna nito magdyowa.
Sa pag-amin ni Bea na isang taon na nanuyo at nanligaw sa kanya si Dominic na nagtiyaga sa kanya.
Nung panahon na ‘yun ay ayaw pa nito na bigyan ng label ang kanilang relasyon.
At dahil sa pagtitiyaga ay nagtanong si Bea paano kung mawala ang taong nagtiyaga sa kanya.
Kaya muli itong sumugal na tayaan si Dominic dahil nakikita nito na seryoso ito sa kanya.
Sabi ni Bea, kahit isang taon nanuyo sa kanya si Dom ay nasungkit nito ang kanyang matamis na ‘oo’.
***
MATAPOS ang matagal na pananahimk ni KC Concepción sa social media, muli siyang nasilayan ng kanyang followers.
Sa IG, ang pagbabalik socmed nito ay to greet the best man at love na love niya in her life.
Binati nga ni KC ang best man niya ng Happy Birthday.
Yes, si Gabby Concepción ang tinutukoy ni KC na lalakeng love ng dalaga nna nagdiwang ng kaarawan nitong Nov. 5.
Wish ni KC na marami pa silang happy moments na pagsasamahan.
Happy si KC sa all out support ng ama sa kanya mula nang maliit pa.
Si KC ang panganay ng veteran actress na si Sharon Cuneta kay Gabby.
Light pa lang daw ang comeback ni KC sa socmed at sa mga susunod na araw tiyak na meron na itong mga post na magba-viral at trending, ayon sa fanatics ni KC.
Well, well, well…Yun na!