Advertisers

Advertisers

Robin ‘praning’ kay Mariel, tinuruang bumaril

0 184

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA pinakabagong entry sa kanyang vlog, ipinasilip ni Mariel Rodriguez ang kanyang training sa target shooting kasama ang mga yaya at mister na si Robin Padilla.
Maaga pa lang ay naghanda na sila sa pagpunta sa nasabing venue na naging paborito nang tambayan ng kanyang mister.
Ani Mariel, ang senador daw ang pursigidong matuto siyang humawak ng baril.
Sa kanyang target shooting, sinabi ni Mariel na takot daw siya sa “mahahaba” at mas bet niya ang pistol dahil sa recoil ng mga ito.
Bukod kay Mariel, sumalang din sa paghawak at pagpapaputok ng baril ang dalawang yaya ng kanilang mga anak na sina Gabriela at Isabela.
Paliwanag ni Robin, ang pagsasanay ng misis at ng mga yaya ng mga anak ay para maprotektahan ang kanilang mga sarili at pati na ang kanilang mga supling ni Mariel.
Hirit naman ng mga nagmamaldita, praning daw ang actor turned politician sa seguridad ni Mariel at ng mga anak.
Pagtatanggol naman ng Ilan, natural lang daw na ingatan ni Robin ang pamilya dahil isa nang high profile public figure ito.
Sey naman ni Mariel, bet daw niyang magpaka-action star tulad ni Keannu Reeves sa kanyang gun-firing activity.
May mga dalahira namang nagsasabing kwidaw daw si Robin sa misis.
Lagot daw ito kay Mariel at puwedeng kasahan ng baril ng maybahay sakaling magloko ito.
***
Cherie Gil mapapanood sa kanyang huling pelikula
TRIBUTE para kay Direk Loy Arcenas (Larawan, Requieme) sa namayapang aktres na si Cherie Gil ang pelikulang Elehiya na isa sa mga kalahok sa QCinema International Film Festival ngayong Nobyembre.
Ang Elehiya na dating may titulong Mirador ay tungkol sa kuwento ng isang biyuda na bumalik
sa kanyang ancestral villa para takasan ang pait at kirot ng nakaraan dulot ng pangangaliwa ng kanyang mister.
Ginagampanan niya ang papel ni Dr. Celine Miranda na masasangkot sa isang nakababatang lalake na posibleng anak sa labas ng kanyang philandering husband.
Si Cherie ay sumakabilang buhay noong Agosto sa edad na 59 sa sakit na endormetrial cancer.
Ang Elehiya ay magku-compete sa Asian New Wave section ng QCinema International Film Festival na gaganapin mula Nobyembre 17 hanggang 26.