Advertisers
KAHIT gaano kaingat sa sarili si Outstanding International Female Performer, Rozz Daniels, nadale pa rin ito ng Covid-19.
Hindi inakala ni Rozz na dadapuan siya ng Covid dahil sa sobra umano ang pag-iingat niya sa kanyang pangangatawan.
“Nakuha ko ito sa pinuntahan kong Halloween party. May isang Amerikano roon na panay kausap sa kin, yun pala may dala siyang virus,” tsika ni Rozz.
Sey pa ng magandang singer, uso pala talaga ang Covid kaya dapat daw na mag-ingat ang nakararami.
Maging careful daw sa pakikisalamuha sa iba lalo na nga at sa Amerika kung saan nandun si Rozz, halos wala nang gumagamit ng face mask.
“Nagpa-test na ako kasi may lagnat na ako, sakit ulo ko, lalamunan at hayan, inuubo na ako. As in ako yung taong hindi basta-basta inuubo,” pahayag pa ni Rozz.
Nakapagbiro pa nga si Rozz, hindi anya siya nailigtas sa Covid ng Captain Marvel costume niya sa party.
Ang nakalulungkot lang, kahit may Covid na ay si Rozz pa rin ang bumibili ng gamot niya. Most of the time kasi ay nasa trabaho ang kanyang American husband at hindi na rin nakatira sa kanila ang kanyang mga anak.
“I’ll be in quarantine for 14 days,” dagdag pa ni Rozz.
Bukod dito, isasantabi muna ng singer ang mga obligasyon at ilang singing engagements na natanguan sa abroad dahil sa Covid.
Samantala, sa April 2023 ay nakatakdang bumalik ng Pinas si Rozz kasama ang kaibigang kapwa singer na si Irelyn Arana.
Plano ng dalawa na mag-show dito kasama ang mga anak-anakan ni Rozz sa The Rocks and Rozz Show na sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista at Derf Dwayne.
Ngayon pa lang ay abangan na ito at tiyak na kagigiliwan ito ng madlang pipol.
Mula sa amin dito sa Police Files TONITE, get well soon friend, Rozz!