Advertisers

Advertisers

Angelika Santiago palaban sa pelikulang ‘Plandemic’

0 286

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

FIRST movie ng magandang teen actress na si Angelika Santiago ang Plandemic.
Ang pelikula ay hatid ng Domniel International Film Productions. Sa presscon nito sa Norzagaray, Bulacan, present ang ilang casts nito gaya nina Ramon Christopher Gutierrez, Rob Sy, Allysa dela Pena, Reynan Dal-Anay, at si Angelika. Kasama ang direktor na si Danny G. Marquez at ang producer na si Dominic Orjalo.
“Yes po, ito ang first movie ko po, kaya may na-feel po talaga akong kakaibang excitement,” nakangiting sambit ni Angelika.
Napanood na ba niya ang Plandemic?
Wika ni Angelika, “Sa ngayon po hindi pa po, kasi marami pa pong plano si Direk Danny and super-excited po akong makita ‘yun. Hopefully soon po ay maipalabas na ito.
“Iyong Plandemic po, may pagka… parang All of Us Are Dead po siya. Zombie movie po siya basically, na may halo rin na comedy.
“So, horror-comedy movie siya na swak na swak sa mga millennials, super, hahaha! ‘Tsaka trend din po, kasi sumikat yung sa All of Us Are Dead.”
Aniya pa, “Ang role ko po rito, ako po ay isang titser, si Miss Alyanna. Ako po yung may crush sa main character played by kuya Ford Valencia.
“Sa una po ay medyo may kaunting kilig-kilig, pero sa rest po ng movie ay makikita nyo po na talagang palaban po ang lahat ng characters.”
Ang isa raw sa aabangan sa Plandemic ay ang visual effects, na maraming makikita sa pelikula.
Saad pa ng aktres, “Pero super napabilib po ako sa production and siyempre sa co-actors ko na kinayang mag-act gamit ang green screen.
“Super naa-amaze po talaga ako from the edits and acting.”
Kailan ito ipalalabas?
Tugon ni Angelika, “Wala pa pong exact date kung kailan ito ipalalabas, pero nagho-hope po sila na sana by December po.”
Ang pelikulang Plandemic ay magsisimula matapos pumalpak ang plano ng anti-government forces ng isang man-made virus na gagamitin sana para pabagsakin ang administrasyon, pero nauwi sa zombie apocalypse ang kanilang masamang balak.