Advertisers

Advertisers

Dating Pangulong Duterte, idinipensa ni Senator dela Rosa sa Percy Lapid killing case

0 187

Advertisers

Walang motibo si dating Pangulong Rodrigo Duterte para ipapatay ang broadcaster na si Percy Lapid

Ito ang pagdidipensa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa kay dating pangulong Duterte mula sa mga nagnanais na isama ito sa mga dapat imbestigahan ukol sa pagpatay sa brodcaster na si Percy Lapid

Kahit pa kabilang si Duterte sa 160 natukoy ng mga imbestigador na binanatan ni Lapid sa kaniyang programa bago ito pinatay…sinabi ni dela Rosa, na walang katuturan na intindihin nito ang mga banat sa kanya sa media, dahil kung political career ang pag-uusapan, wala ng pakialam ang dating pangulo dahil nagretiro na itol



Kung gusto rin aniya ni Duterte na patayin si Lapid, bakit hindi ginawa nung siya pa ang presidente ng bansa at nasa kanya pa ang lahat ng kapagyarihan.

“Bakit pa nya patayin eh nagretire ka na di ka na presidente bakit di mo pinatay nung ikaw pa presidente, ngayon pa na wala ka na sa poder saka ka pa mag interes ng tao? kwestyun ni dela Rosa

Ayon pa kay Dela Rosa na matagal nang kaibigan ni Duterte, malaya ang sinuman na gumawa ng mga espekulasyon at pag isipan ang sinuman na dawit sa pagpatay kay Percy Lapid

Makatwiran din aniya na ipagpatuloy pa ng mga otoridad ang imbestigasyn kung may iba pang anggulo na nakikita.

Pero, dapat aniyang respetuhin ang kinalabasan ng imbestigasyon ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation kung saan itinuturo si suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na pinakang-matermind, at bakit pa naman aniya magkakaroon pa ng espekulasyon kung para lang mandamay ng ibang tao.



Kawawa naman aniya ang walang kinalaman na gusto lang idamay, sabay sabi na maraming nagmamarunong at nagkukunwaring may alam dahil may gustong isama sa imbestigasyon pero hanggang daldal lang naman. (CESAR MORALES)