Advertisers

Advertisers

Julia inisnab batiin ng b-day si Coco

0 177

Advertisers

Ni GARRY OCAMPO

ON the way na si Herlene Budol sa Uganda para sumali sa Miss Planet International 2022 at sa kanyang pag-alis, ipinakita niya kung ilang maleta ang kanyang dala.
“Hindi biro ang pagsabak sa isang pageant. `Yung preparasyon na dapat, kumpleto ang susuotin pang-araw-araw. Limang maleta at isang box na National Costume. Grabe, bigla kong naramdaman ang pressure. Otsentang delegates ang makakalaban ko sa patimpalak ng @missplanetinternational; Cheer n`yo ako, mga Ka-Squammy, Ka-Hiponatics at Ka-Budol ko d`yan. `Yung pagmamahal, suporta at pagdarasal ay malaking bagay sa aking panibagong journey,” post ni Herlene.
Ipinost din niya ang mga gagamiting damit, sapatos, gamt at lahat ng kanyang bitbit na makikitang nakalagay sa plastic ang bawat item para di siya mahirapan kapag kailangan. May katulong din siya sa pag-aayos ng napakaraming dala.
Dinalaw muna ni Herlene ang puntod ng kanyang lola bago umalis para humingi ng guidance sa muling pagsabak sa beauty pageant.
Kailangang tumigil muna si Herlene ng taping ng kanyang launching series sa Kapuso Network na Magandang Dilag. Balitang pagbalik niya ng bansa ay muling sisimulan ang taping dahil hindi raw nagustuhan ng mga big boss ng network ang ilang eksenang nakunan, partikular na ang naging prosthetic ni Herlene.
Malalaman ng mga follower ni Herlene kung bakit may prosthetic ito kapag nasimulan nang umere ang Magandang Dilag na ang kanyang magiging leading men ay sina Benjamin Alves at Rob Gomez.
Nakasuporta rin sa launching TV series ni Herlene sa GMA 7 , sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
***
TAPOS na ang TV series na FPJ`s Ang Probinsiyano ay hindi pa rin nakalilimot ang cast para batiin ang director at co-actor nilang si Coco Martin sa kaarawan nito last Nov. 1.
Kani-kanyang post ng birthday greetings sa kanilang social media accounts ang mga kasamahan ni Coco.
“Blessed birthday paps! Stay safe and healthy. Dasal ko ang kalusugan at kapayapaan sa iyong buhay,” pagbati ni John Prats.
Nagpahaging naman si John Estrada ng private life ni Coco.
“Sa mahal naming kaibigan ipagpatuloy mo ang iyong pagkinang na parang isang diamante sa pribado mong buhay, at sa industriyang ginagalawan mo, nag-iisa ka lang. Mahal ka namin. Love u, Co. Happy, happy birthday,” message ni John.
“Happy birthday @cocomartin_ph. Nawa`y lahat ng idinadasal mo at lahat ng para sa`yo ay ibigay ni Lord. Ingatan mo lagi ang sarili mo at marami ang umaasa sa`yo. Kasingdami din naming nagmamahal sa `yo. We love you. Happy birthday!!!” pagbati naman ni Rosanna Roces.
Sabi naman ni John Arcilla. “Happy birthday @cocomartin_ph. Tingnan mo naman haba ng pinagdaanan natin. Sa hirap at ginhawa, Cheers!!! Wishing you all the best!”
Inalala naman ni Raymart Santiago ang apat na taong pinagsamahan nila ni Coco.
“Sa halos apat na taon nating pagsasama, marami na rin tayong mga pinagdaanang kasiyahan, kalungkutan, kalokohan at habambuhay kong baon ang mga iyon sa puso ko. Nandito lang ako na gagabay sa `yo. Maligayang kaarawan, mahal kong kaibigan,” mensahe ni Raymart.
Nag-effort din si Michael de Mesa na mag-post ng reel sa Instagram ng larawan nila ni Coco na nilagyan pa niya ng music na You`ve Got a Friend in Me.
“Happy birthday, Co! May you continue to shine bright and be an inspiration to others. God bless you and keep you always! Love you so much! – Tito Mike.” mensahe niya.
Ramdam na ramdam sa co-stars ni Coco ang pagmamahal at malaking respeto nila sa actor.
Pero wala pa ang birthday greetings kay Coco ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes na siguradong inaabangan ng kanilang followers.
***
Rufa Mae inaabangan, pagbalik sa Bubble Gang
Inaabangan ng mga tagasubaybay ng Bubble Gang ang pagbabalik muli ni Rufa Mae Quinto sa longest running gag show na napapanood every Friday evening sa GMA 7.
Matatandaang isa si Rufa Mae sa mga mainstar ng gag show at laging inaabangan ang kanyang mga kuwelang pagbato ng joke.
Siguradong welcome ang sexy comedienne sa Bubble Gang barkada, lalo na kay Michael V na laging nakasuporta sa kanyang showbiz career.
Nang makausap ng press si Michael tungkol sa pagbabalik ni Rufa Mae sa showbiz ay kaagad na sinabi nito na welcome si Rufa Mae sa BG na kung saan ay naging mainstay ito bago umalis para manirahan sa ibang bansa.
Ayon kay Bitoy, hindi mahirap kabatuhan ng jokes ang isang tulad ni Rufa Mae, dahil natural ito pagdating sa pagbitaw ng mga linya na maging sila ay natatawa.