Advertisers
Ni WALLY PERALTA
RUMESBAK si Super Tekla sa nauna nang naglabas ng galit sa bespren na si Donita Nose. Ayon kay Donita, nagsimula na raw si Super Tekla na hindi makipag-cooperate sa kanilang vlog.
At tila may pagbabanta pa raw si Donita na wag magsimula si Super Tekla at tatapusin daw ito ni Donita.
“Donita, alam mo para kang lata na kinakalawang na parang pag sinipa mo sa daan tunog nang tunog kasi walang laman. Ilabas mo, niloloko mo ‘yung mga tao, naghihintay, ilabas mo na kung ano ang gusto mong ilabas,” say ni Super Tekla.
Sinundan pa ni Super Tekla ng paghahamon na ilabas daw ni Donita kung ano ang gusto niyang ilabas.
“Nananahimik ako dito. Alam mo Donita ilabas mo kung ano ang gusto mong ilabas, lumaylo ako sa vlog kasi alam mo ‘yon, alam mo ang rason ko. Ilabas mo na kung ano ang gusto mong ilabas, wag nang magparinigan. If you’re really brave, take it out, it’s that simple,” say pa rin ni Super Tekla.
Kung matatandaan, noong kainitan ng away ni Super Tekla at ng partner nitong girl ay isa si Donita sa kumampi kay Super Tekla. Ngayon ang dating karamay ay tila mauuwi bilang isang kaaway, di kaya?
***
AMINADO ang sexy nymphet na si Rob Guinto na kinabahan siya nang malaman na ang isa sa magiging leading man niya ay ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson.
Remember the issue kay Kit at sa gf niyang si Ana Jalandoni na nauwi pa sa pagpapakulong kay Kit sanhi ng pambubugbog.
Ngayon nga ay back to work na si Kit at si Rob ang una niyang leading lady para sa movie na “Showroom,” streaming starts this Nov. 11 sa lahat ng Vivamax streaming apps, under the helm by acclaimed indie filmmaker Carlo Obispo.
“Kinabahan ako nung una not because may issue siya but, kasi mas kilala siya, malaking pangalan siya. But maayos naman ang naging mga eksena namin. Sobrang mabait siyang katrabaho. He’s very friendly and nagtulungan kami in doing our scenes together. I’d say na yung love scene namin ang pinaka-daring na sa lahat ng nagawa ko,” say ni Rob.
“Showroom” is about two young women who become rivals as sales agents. Rob plays a lead role where she plays Susan, an enterprising sales agent selling condo units. She is willing to go to bed with potential clients just to make a sale, since she is a single mom and will do everything for the sake of her child.