Dredgefill Exctraction Agreement, nilagdaan ni Mayor Honey

Advertisers
NILAGDAAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Dredgefill Extraction Operations Agreement para sa Horizon Manila Reclamation Project kung saan ang JBros Construction Corporation na kinakatawan ni President, Engr. Jesusito Legaspi, Jr., ang siyang project proponent nito.
Ang Horizon Manila ay 419-hectare reclamation project, na binubuo ng tatlong isla na kinabibilangan ng industrial, commercial projects, kabilang na rin ang public housing projects para sa mga residente ng Maynila.
Ang pagpirma ay sinaksihan ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto, District 3 Congressman Joel Chua at members ng Manila City Council.
Sinabi ni Lacuna na ang joint venture ang first reclamation project na gagawin sa City of Manila at ang konstruksyon ay magsisimula sa kalahati ng taong 2023.
Ang Horizon Manila ay isang mixed-use planned community na itatayo sa 419-hectare reclaimed land sa Manila Bay. Ito ang sinasabing pinakamalaking reclamation project sa Maynila.
Ito ay binubuo ng tatlong isla: Island 1 (140 hectares), Island 2 (140 hectares) at Island 3 (139 hectares). Ang proyektong ito ay inaprubahan ng Philippine Reclamation Authority noong 2019.
Ang Memorandum of Understanding ay nilagdaan sa pagitan ng Maynila at ng Philippine Reclamation Authority noong June 2, 2017. Ang master plan para sa proyekto ay dinisenyo ng project WTA Architecture + Design Studio, isang local Filipino architecture and design firm.
Sinasabi sa master plan na kailangang gumawa ng 28 distinct “communities” para sa 100,000 residents, na makikita sa tatlong isla na hahatiin ng four-kilometer long canal park. May kabuuang 83 ektarya naman ang ilalaan sa green space, na siyang sasakupin ng ‘fifth of the project’s total area’ at bawat distrito ay magkakaroon ng sariling development guidelines. (ANDI GARCIA)