Advertisers

Advertisers

Maja ‘di kasama sa kabuuan ng balik-serye sa Dos; Yassi walang acting talent

0 186

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY post ang GMA sa kanilang social media na “Yas she’s back.”
Ang caption na nakalagay, “sino kaya ang aktres na ito na muling mapapanood sa Kapuso Network?”
Espekulasyon ng netizens ay si Yassi Pressman.
Former GMA artist nang lumipat si Yassi sa Kapamilya.
Nakilala siya bilang singer at dancer host sa dati niyang home studio.
Nang lumipat sa ABS-CBN ay saka siya nabigyan ng chance na umarte.
Matagal din niyang nakapareha si Coco Martin.
Ayon sa netizens, wala naman daw acting talent si Yassi.
Sey naman ng kanyang faney, “actually wala lang kasi silang chemistry ni Coco. Pero infair sa abs talaga siya sumikat”
“Acting medyo waley naman talaga TBH. Pero nag improve a bit thanks to coco but that’s about it. Pero sa looks gorgeous talaga”
“Pero sana bgyan din ng chance ng gma ung mga loyal artist nila, kumbaga hasain hndi ung tatabunan nanaman ng mga bagong lipat o mga bumalik. Kahit ung mga loyal artist hndi bida basta bigyan ng trabaho.”
“Parang kawawa naman ang homegrown talents ng kapuso mas bawas ang chance nila mag shine.”
Ayon sa netizens, “niretweet ni Ken yun post about the project with yassi so siya nga”
“Teleserye daw with Ken Chan and Marco Gumabao yung project nya sa GMA.”
“Baka ito yung remake ng Saan Nagtatago Ang Pag-Ibig? Kaya ba ni Yassi ang actingan ni Ate Vi?”
May nagsa-suggest naman na “Bagay siya sa AOS para may female dancer dun na pwede i partner kay Rayver for dance prods.”
***
ARMAINE FANS KINILIG SA SWEET PHOTOS NG COUPLE
Nagliliwaliw ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa ibang bansa, sa Paris, France.
Kasama na roon ang pagseselebreyt ng actor-pulitiko ng kanyang kaarawan nitong nakaraang November 5.
First time ngang hindi kasama ni Arjo ang pamilya sa pagseselebra ng kanyang kaarawan.
Kahit magkasama na ang couple sa birthday ng aktor ay nagpost pa rin ng birthday message si Maine sa fiance.
Shinare ng Eat Bulaga host ang sweet pictures na kuha sa kanilang pagbabakasyon at nilagyan niya ng caption “happy birthday.”
Kinilig ang ArMaine fans sa mga larawang binahagi ni Maine.
Here are some of their comments:
“Enjoy the vacation love birds!”
“Happy birthday Arjo! Enjoy Paris with Maine!” “Happy Birthday Cong @arjoatayde.”
***
Um-attend si Maja Salvador sa grand presscon ng The Iron Heart nitong November 5 na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN.
Kaya walang katotohanan na hindi na muling makakayapak sa bakuran ng Kapamilya Network ang actress.
Nasa presscon ng TIH ang aktres para magbigay suporta sa kanilang show na mag-uumpisa nang mapanood sa November 14.
Pinakilala ang buong cast ng TIH magmula sa bida na si Richard Gutierrez.
Pero marami ang na-curious nang ipakilala si Maja na special participation sa teleserye.
Bakit daw special participation lang ang aktres at hindi join sa buong story.
Hindi makasagot ang aktres, kaya sinalo siya ni Sir Mico del Rosario.
Aniya, importante ang role ni Maja as a power woman. At isa pa marami siyang assignment kaya sinasaalang-alang din namin ang kanyang schedules.”
Para naman kay Maja, inamin niyang madali sa kanya ang magdesisyon nang i-offer ang special role dahil special daw sa kanya ang Star Creatives, the production team behind The Iron Heart.
“Madali lang ako napapayag. Of course, it’s under Star Creatives. Ang dami ko na nagawang magagandang shows sa Star Creatives – Legal Wife, Bridges of Love –- iba yung alaga sakin ng Star Creatives family,” eksplenasyon ng aktres.
Agad daw siyang lumipad ng Cebu pagkatapos ng ilang revisions sa script.
Doon kasi nag-shoot ng teleserye.
Grateful naman si Richard nang tanggapin ni Maja ang TIH.
“Eksakto yung timing ng pagpasok ni Maja. We couldn’t be happier to have her onboard. We’re very thankful kay Maja na tinanggap niya.”
Ayon naman kay Maja, “Hindi bago sakin pero sobrang importante ito because it’s ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay ang ganda gumawa ng isang teleserye. Na-miss ko gumawa ng isang love story.”
Ang huling teleserye na ginawa ni Maja sa Kapamilya ay ang The Killer Bride.
Kasama rin sa cast sina Dimples Romana, Meryll Soriano, Jake Cuenca, Sue Ramirez at Pepe Herrera.
Naroroon din si Baron Geisler at ang gumaganap niyang anak sa Doll House movie.
Ayon sa aktor, guest lang daw silang ‘mag-ama’ sa teleserye.
Pero, he’s hoping na makasama siya totally sa show dahil ang ganda raw ng concept ng TIH.
Sa November 14 na ang airing ng TIH sa lahat ng platforms ng ABS-CBN.