Advertisers
Mas pinaigting pa ng National Capital Region Police Office NCRPO ang mabilisang pag responde ng police sa mga sumbong sa mga nangyaring krimen sa mga lugar gamit ang mobile phone.
Kaugnay nito Inilunsad ang SAFE NCRPO App alert bilang bahagi ng programa ni NCRPO Chief PBGEN Jonnel Estomo upang mapigilan ang binabalak ng masasamang elemento na gumawa ng krimen.
Namahagi din si general Estomo ng Mobile phone sa ilang Chief of Police kung saan naka installed na ang NCRPO App alert.
Ayon kay Estomo sa pamamagitan ng police app alert matatanggap ng command center ang mga sumbong ng kumunidad at ibabato naman ito sa pinakamalapit na police station kung saan nanggaling ang sumbong upang agad na makaresponde ang pulisya.
Isa ito anyang mabisang paraan upang agarang makatugon ang mga otoridad sa mga humihingi ng tulong at agad na masresto ang mga suspek na nasa likod ng nangyaring krimen sa kanilang lugar. (CESAR MORALES)