Advertisers
Habang patuloy na nagluluwag ang mga travel restrictions, dinagdagan ng pangunahing airline na Cebu Pacific ang Manila-Bali, Indonesia service nito mula 5x weekly sa 7x weekly mula nung Oktubre, kung saan and 5J 279 ay naalis ng Maynila nang 3:45 a.m. at dumarating sa Bali ng 7:50 a.m. habang ang return flight na 5J 280 ay naalis naman ng Bali 8:35 a.m. at dumarating sa Manila ng 12:45 ng hapon.
Nitong nakaraang weekend, inimbita ng CEB ang mga airport journalists upang maranasan ang mayamang kultura, magagandang tanawin at masasarap na pagkain sa Bali, sa pamamagitan ng partnership sa Aneka Kartika Tours & Travel Services at ilang local businesses na naglalayong makahikayat ng mas maraming Pilipino na bisitahin at i-explore ang kanilang mga produkto at serbisyo.
Siyempre pa, hindi magiging matagumpay ang nasabing aktibidad kung hindi sa generosity at kabaitan ni CEB Big Boss Lance Gokongwei at mga mababait nitong opisyal na sina Roxanne Gochuico, Corporate Social Responsibility Specialist; Romina Yasmin Aguirre – Corp Comm Manager; external PR Resty Perez at Malou Reyes; CEB spokesperson Carmina Romero at Michelle Lim ng Corp Comm. manager. Sa kanilang lahat, maraming salamat.
Halimbawa ng mga tampok na destinasyon ang Adhi Jaya Hotel na malapit sa Kuta Beach, Waterbom Bali, Discovery Shopping Mall, upscale shopping area at nightlife scene. Ang contemporary interiors nito ay may ‘touch of Balinese charms.’
Ang Pita Maha ay may koleksyon ng ‘private pool villas’ at mga pasilidad na ‘overlooking’ sa timeless beauty ng Ayung River. Pag-aari ito ng Ubud Royal family at ang luxurious resort ay sakto para sa mga gustong mag-recharge ng isip, katawan at kaluluwa.
Ang Taman Dedari ay isang bagong tourist destination sa Ubud na may magandang view ng Ayung river at ‘sunset.’ Bukas ito ng tanghali at hapunan at nagse-serve ng Balinese, Indonesian at Western food. May 49 Angel statues ang background nito.
Ang Samaya Ubud ay may contemporary Balinese boutique villa resort na 15 minuto lamang sa north ng Ubud. Matatagpuan sa village ng Sayan kasama ng Ayung River, ito ay napapaligiran ng rice fields at forest at dito rin maaring maranasan ang “magnificent and majestic modern Balinese experience”.
Matatagpuan dito ang napaka-grandiyosong one, two at three bedrooms luxury villas, dalawang restaurants; scene restaurant na matatagpuan sa uppermost level complex ng resort overlooking sa hillside at rice field. Ang deck sa Swept Away ay malapit lamang din sa river at ideal setting para makapag-relax.
Ang Samaya Seminyak ay ilang hakbang lamang mula sa sikat na Seminyak – Petitenget Beach at mayroon itong luxurious beachfront escape na may traditional Balinese hospitality at modern comfort. Ang mga guests ay maaring mamili ng villas na pupuwede sa beach side o sa Royal Courtyard setting. Maari ding maranasan ang exquisite dining experience na may spectacular sunset sa award-winning beachfront restaurant, The Breeze.
Sa may beach, ang Patra Bali Resort and Villas ay isang vast property sa Kuta area, na may cozy tropical landscape. Ito ay isang 5-star resort na puntahan ng mga “elites and dignitaries.”
Upang tiyakin na ang mga journalists ay mananatiling ‘connected’ saan man sila magtungo sa Bali, may pocket WiFi units na ipinagamit ang Travel Specialist Ventures, sa partnership sa Air-Roam. Maaring makakuha ng murang portable internet connection saan man sa mundo, tawagan lamang ang +63917-8341822.
Patuloy ang CEB sa pagpapatupad ng multi-layered na approach para sa kaligtasan ng mga pasahero nito. Bukod sa 100 percent fully vaccinated ang crew nito, 95% sa kanila ay boosted na.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.