Advertisers

Advertisers

Panibagong regodon sa DPWH Rizal Province-DE Cleopas Buwenas!

0 240

Advertisers

Tila hindi pa halos nagiinit ang mga tumbong sa kani-kanilang upuan ang mga bagong talagang opisyales mula sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Lalawigan ng Rizal ay agad agad ay nagpalit ng mga namumuno sa mga sensitibong posisyon.

Para sa kaalaman ng publiko partikular ang mamamayan ng Rizal, eto po ang listahan ng mga bagong opisyal ng DPWH mula sa 1st at 2nd Dist, unahin natin ang lineup ng 1st Dist, Engineering Office, Dist. Engr (DE) Ferry Cleopas, ADE, Leo Salvadora, Construction Division chief, Engr. Boyet Antonio, Engr. Nel Fabian chief Procurement Division at iba pa.

Habang sa parte naman ng DPWH Rizal 2nd Dist. Engineering Office, Dist. Engr. (DE) OIC Wilfredo L. Racelis, ADE. Engr. Lito Fabian, Road Maintenance chief, Engr. Catherine Tamayo, Construction division chief Benjie Buenaventura at Quality Control division chief Engr. Luz Villones.



Bigyan natin ng maiksing history kung bakit nagkaroon ng panibagong regodon at nagpalitan ng mga opisyales ang mga district engineering offices ng DPWH, nagkagulo ang lahat mga Ka Usapang HAUZ ng ma-promote bilang Asst. Regional Director for Research ang dating Rizal 2nd Dist. DE Engr. Juliana Vergara na agad napalitan ni ADE Napoleon Abril na nagmula sa 1st Dist at nagkataon namang nasa concurrent position si Engr. Chito Paz bilang ADE at siya ring Construction chief.

Muling nagkagulo ang tanggapan ng Rizal 1st at 2nd DPWH DEO mga Ka Usapang HAUZ ng magkaroon na naman ng promotion sa katauhan ni DE Abril na siyang itinalaga bilang Regional Director for Construction division chief kung kaya’t umentra sa eksena bilang 2nd DEO OIC DE si Wilfredo Racelis na mula sa Lalawigan ng Quezon bilang ADE promotion para sa kanya, habang ang ADE ng 1st Dist DEO na si Engr. Fabian ay pumalit sa nakatalagang Ade sa 2nd Dist na si Engr. Chito Paz na nalipat sa Quezon 2nd dist bilang Ade rin.

May nagtatanong mga Ka Usapang HAUZ kung bakit sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng Rizal 1st DPWH DEO sa pamumuno ni DE Cleopas tulad na lang ng pagkasawi ng isang menor de edad na trabahador ng matabunan ng buhay ang
biktima na ikinasawi nito habang ikinasugat ng isa pa sa Brgy Cabading Antipolo City matapos gumuho ang isa sa proyekto ng nasabing tanggapan.

Ang mga unfinished projects na nakatiwangwang lang at kung ano ano pa na kung iisa-isahin natin ay hindi sasapat ang espasyo ng Usapang HAUZ sa dami isama na rin natin ang hindi magamit na elevator na proyekto rin ng DPWH Rizal 1st dist DEO.

Mismong mga tauhan mula sa 1st dist DEO ay nagsasabing walang ibang masuwerteng opisyal at hindi man lang nagalaw ng magkaroon ng regodon ay itong si DE Cleopas, may nagsabi nga iba talaga pag may padrinong politiko, eh ang tanong meron nga ba DE?



Nais namang iparating ng Usapang HAUZ kay DE Cleopas kung gaano katutuo na wala kang kinikilalang Media at ni minsan ay hindi ka nagpaanyaya ng interview para malaman ang sitwasyon at kalagayan ng inyong mga proyekto.

Bukas ang pahina ng Usapang HAUZ para sa inyong reaksiyon at para na rin sa kapakanan ng malayang Pamamahayag.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036