Advertisers
MAY post ang abogado ng pamilya Mabasa na si Atty Berteni “Totong” Causing: “May informant, the informant of Percy Lapid in his expose vs Bantag, says there is an MABUSH PLOT vs General Catapang”.
Posible ito. Dahil ang bagong talagang Bureau of Correction (BuCor) Director, retired military general Gregorio Catapang, ay sinuspinde lahat ng “tao” ni suspended BuCor chief Gerald Bantag.
Si Catapang, retiradong AFP Chief, ang ipinalit ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. kay Bantag nang suspendihin ang huli dahil sa pagkakasangkot sa pagpaslang sa hard-hitting radio commentator at newspaper (tabloid) columnist na si Percy (Mabasa) Lapid noong Oktubre.
Bukod sa ginawang pag-alis sa mga tao ni Bantag na pawang galing Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay sinalakay pa ng grupo ni Catapang ang loob ng Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP) kungsaan nasamsam ang mahigit 7,000 beer in cans na ipinagbibili ng P1K bawat isa sa mga bilanggo ng mga “bata” ni Bantag.
Sa laki ng nawalang raket ng mga tao ni Bantag sa Bilibid ay talagang makapag-iisip ang grupo na resbakan si Catapang, tulad ng ginawa nila kay Percy Lapid na pinalikida matapos ibunyag ng brodkaster ang “kayamanan” ni “Mr. Cinderella”, na ang pinatutungkulan umano ay si Bantag.
Pero si Catapang ay hindi easy target tulad ni Percy Lapid na walang bodyguard at walang karanasan sa bakbakan.
Si Catapang ay nagretirong AFP Chief, meaning bihasa sa anumang digmaan sa kalunsuran man o sa kabundukan. Kaya tiyak nakahanda siya rito sa sinasabi ni Atty. Causing na “ambush plot” laban sa kanya. Mismo!
***
Kapuri-puri ang ginawa ng mga pulis at NBI agents sa paglutas sa kaso ng pagpaslang kay Percy Lapid. Higit isang buwan lang lutas agad ang kaso.
Ito ang sinasabi natin na kapag talagang nagtrabaho ang pulis at NBI, siguradong malulutas ang kaso. Walang perpektong krimen. Lahat ay nag-iiwan ng bakas. Lalo ngayong napakarami nang nakatanim na CCTV cameras sa mga kalye. Dagdag pa rito ang napakaraming marites sa social media. Hehehe…
Again, sinasaluduhan natin ang PNP at NBI sa mabilis na paglutas sa kaso. Okey kayo, Justice Secretary “Boying” Remulla at DILG Sec. Benjur Abalos.
Ang NBI ay under DoJ at ang PNP ay under DILG. Mabuhay!
***
Tama si Senador JV Ejercito na i-ban na sa paglalaro ng basketball itong umbagerong forward ng Jose Rizal University sa NCAA na si John Amores.
Aba’y maraming beses na raw nang-umbag ng kapwa niya manlalaro ang basketbolistang ito, ayon sa mga reklamo.
Ang pinakahuli niyang kaso ng pang-uumbag ay sa apat na manlalaro ng College of St. Benilde sa laro ng JRU at CBS. Bagsak talaga ang tatlo nang tamaan ng kanyang malalaking kamao. Pati referee pinakitaan niya ng dirty finger. Gago!
Dapat ay sa UFC o sa MMA maglaro si Amores. Doon magsasawa siya ng basagan ng mukha. Hindi siya puede sa basketball.