Advertisers

Advertisers

PSC NAGPASALAMAT SA PHILRACOM

0 285

Advertisers

MAKAKAKUHA ng ayuda ang kampanya ng Team Philippines para sa 2023 SEA Games mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM), dahil nagho-host ito ng limang charity race para sa benepisyo ng Southeast Asian Games bound national athletes sa Nobyembre 13 sa Metro Manila Turf Club, Inc .sa Malvar, Batangas.

Inaprubahan at itinalaga ng PHILRACOM Board, sa pangunguna ni Chairman Aurelio “Reli” De Leon, ang Philippine Sports Commission (PSC) bilang benepisyaryo ng nasabing charity races, na tutulong sa PSC sa pagpopondo sa pagsasanay at paghahanda ng ating mga pambansang atleta para sa biennial meet na pinangunahan ng Cambodia.

“We are one with the Philippine Sports Commission in its mission to serve the best interests of our Filipino athletes. We want to help the PSC in our own humble way by organizing five charity races for the benefit of our national athletes,” Wika ni Chairman De Leon.



Ibibigay ang mga kikitain sa karera sa PSC na nakadepende sa kabuuang benta sa pagtaya sa bawat itinalagang karera.

“The Philippine Racing Commission led by Chairman Reli De Leon has always been a partner of the PSC in all of its sports programs and agenda. And today’s project of extending charity races, is a huge boost towards ensuring the success of our Filipino athletes in the forthcoming Southeast Asian Games,” Sambit ni PSC Chairman Noli Eala.

“We are truly grateful, proud and glad to be a partner of the Philracom in our thrust of caring for our Filipino athletes like no other, and we hope that this will just be the start of more meaningful projects with them,” dagdag pa ng sports agency chief, na inaasahang dadalo sa awarding ceremonies para sa nakatalagang charity races.

Mahigit 800 atleta ang inaasahang bubuo ng delegasyon ng koponan ng bansa sa Palaro, ayon kay Team Philippines Chef de Mission at Philippine Amateur Baseball Association President Chito Loyzaga sa kanilang ikalawang consultative meeting kasama ang SEAG-bound national sports associations noong nakaraang buwan.

Ang ika-32 edisyon ng Southeast Asian Games ay magtatampok ng 49 na opisyal na palakasan, na may record-setting na 608 kaganapan na magaganap mula Mayo 5 hanggang 17, sa susunod na taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">