Advertisers

Advertisers

Tsuper tiklo nang nakawin ang minamanehong taxi

0 214

Advertisers

ARESTADO ang isang tsuper nang nakawin ang taxi na kaniyang minamaneho para sa isang kumpanya sa Parañaque City.

Sa ulat, 5:00 ng umaga nitong Miyerkoles nang madiskubre ng checker ng kumpanya na nawawala ang isa sa mga taxi ng kumpanya.

Ayon kay Police Major Edwin Lacostales, ang chief investigator ng Parañaque PNP, may GPS ang taxi kaya natunton kung saan ito dinala. Sa Antipolo City nakuha ang taxi.



Naaktuhan ng mga pulis ang isa pang suspek na tinatanggal na ang sticker ng taxi. Pati ang ilang gamit sa taxi binaklas na rin.Agad itong inarestong mga pulis.

Pero itinanggi ng lalaki na alam niyang ninakaw ang taxi. Napag-utusan lamang daw siya na linisin ito.

Sa follow-up operation ng PNP nitong Huwebes ng madaling araw, natunton ang isa pa sa mga itinuturong sangkot sa pagnanakaw, isa sa mga driver ng kumpanya.

Sa presinto, todo tanggi ang driver na kakilala niya ang inarestong lalaki nang magkaharap ang mga ito.

Sampung taon nang nagtatrabaho sa kumpanya ang driver.



Pero duda ang PNP dahil sa cellphone ng inarestong suspek, may mga tawag at text message ang inimbitahang driver kaya posible na magkakilala ang dalawa, taliwas sa alegasyon ng driver na hindi niya kilala ang inaresto.

Ayon kay Lacostales, ibebenta ang taxi matapos itong malinis, at may buyer na umano ito.

Posibleng organisadong grupo ang mga na-aresto kaya patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang iba pa sa mga miembro ng grupo.