Advertisers

Advertisers

Christian natakot sa sunud-sunod na gay role

0 185

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

STRAIGHT ang role ni Christian Bables sa “Mahal Kita, Beksman”, ang comedy event ng taon na idinirehe ng magaling at award-winning director at film producer na si Perci Intalan.
Katunayan, bilang isang hombre na napapalibutan ng mga beki at baklush na character, flamboyant at colorful din ang kanyang outfits sa naturang pelikula.
Kabogera rin ang mga suot niya na inirarampa niya sa kanyang mga eksena.
May mga eksenang nagmukha siyang Ken, ang fashion doll at fictional character na inimbento ng American toy company na Mattel.
Katunayan, dahil na-enjoy niya ang ganoong awrahan, naghanap daw talaga siya ng kanyang Barbie na eventually ay natagpuan naman niya sa katauhan ng kanyang love interest na ginagampanan ni Iana Bernardez.
Ayon pa kay Christian, masaya raw palang bihisan bilang isang handsome na hombre na iba naman sa ginawa niya in the past.
Aminado rin kasi siyang for a time ay natakot siyang hindi na ma-offeran ng straight roles pagkatapos ng sunud-sunod na gay characters na ginampanan niya sa mga pelikulang “Die Beautiful,” “Panti Sisters”, “Bekis on The Run” at “Big Night.”
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi raw naman ibig sabihin noon na ayaw na niyang gumawa ng gay roles.
Hirit pa ni Christian, bet din daw niyang magkaroon ng ka-loveteam tulad ng click na tambalan nila ni Iana sa “Mahal Kita, Beksman.”
Sa pelikula, ginagampanan ni Christian ang papel ni Dali, isang makeup artist at fashion designer na inakala ng lahat at ng kanyang beking ama na si Jaime (Keempee) na isang beki rin.
Kaya ikagugulat ng lahat nang sabihin niyang straight siya at babae ang type niya.
Ang pelikula na riot sa katatawanan at komedyang may puso ay mapapanood na simula sa Nobyembre 16 sa mga sinehan sa buong bansa.
Iprinudyus ng Viva Films at The IdeaFirst Company, tampok din sa pelikula sina Keempee de Leon, Iana Bernardez, Katya Santos, Migs Almendras at marami pang iba.