Advertisers

Advertisers

Justice Secretary Remulla ‘di na papatulan si Bantag

0 198

Advertisers

AYAW nang patulan pa ni Justice Secretary “Boying” Remulla ang mga bagong rebelasyon ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag hinggil sa pagkamatay nina Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.

Sa isang pahayag, pinahuyan ni Remulla na harapin na lamang ni Bantag ang mga reklamong kinahaharap nito.

Ito’y matapos idawit ni Bantag sa isang panayam ang ilang convicted drug lords na ‘di umano’y nasa likod ng pagpatay kina Lapit at Villamor.



Partikular na rito si German Agojo na umano’y “bossing” ng self-confessed gunman na si Joel Escorial at ng napatay na middleman na si Villamor.

Sinabi ni Remulla na ‘no comment’ na muna siya sa panawagan ni Bantag na mag-resign na ito bilang Secretary ng DOJ dahil sa isyung kinahaharap ng kanyang anak na nahaharap sa drug charges.

Bago ito, una nang sinabi sa isang DOJ statement na hindi nila idinidiin si Bantag sa kaso at sadyang siya lang talaga ang itinuturo ng lahat ng mga ebidensyang lumutang sa imbestigasyon.