Advertisers
ILANG buwan nang ama ng bansa si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ramdam naman nating ginagawa niya ang buong makakaya upang bumangon muli, sumulong hanggang makarating sa prosperidad ang ating bansang inilugmok ng pagkakawatak, kasakiman at pagkagahaman sa kapangyarihan kesehodang gumapang ang mayoryang kababayan dito sa bansang relihiyoso naman.
Iniluklok ng higit 31 milyones na botante si PBBM na isang senyal na dapat ay magkaisa na lahat at bigyang pagkakataong magtagumpay ang administrasyon upang makahabol naman tayo sa ibang nasyon na milya na ang agwat sa aspeto ng asenso.
Panawagan ng korner na ito,move on na kabayan ,saka ka na umangal kaibigang epal na nasa minoryang nananatiling pantasya ang makabalik sa pedestal ng kapangyarihan.
Di naman kabawasan sa pagkatao ang tumatanggap ng pagkatalo .Di kailangan maging laging salungat sa mga ninanais ipatupad ng nasa poder para lang ang pansarili ang umangat na di pa dapat .May tamang panahon diyan kaibigan .
Kung sa ngayon pa lang ay tumutulong na kayo sa pagpapatatag ng ating iisang nasyon ay di nakababa ng paninindigan ang pagpapakumbaba. Huwag nang sayangin ang presyosong panahon para tayo lahat ay makaahon.
Ang tagal nang dapat na asensado ng ‘Pinas kung nagkakaisa lang ang mga Pilipino ,disiplinado,walang pasaway at tigil na away-away dahil lang sa sobrang pulitika.
Sa ating Pangulo,wish natin ay ispoylin ang mga hayagang bumabatikos kahit wala sa hulog maka-epal lang o magtapagtapangan.
Masama silang pinagbibigyan.Ngayon pa lang ay dapat nang putulin ang sungay ang mga tunay na kaaway na nagpapasasa sa demokrasyang pinansasangga ng mga sangganong epal.
Walang gagawin sa loob ng 6 na taon ang mga epalitikong yan at walang iniisip na itulong sa sambayanan kaya ngayon pa lang ay kalusin niyo na Apo!
Kumbaga sa boksing sa unang dalawang round pa lang ay patulugin na ang bara-barang kalaban ,baka maksikwat pa ng sunday punch eh huwag naman… ABANGAN!