Advertisers

Advertisers

LGU’s OOBLIGAHIN NG DILG SA WAR ON DRUGS!

0 1,460

Advertisers

Bilang pagtalima at pagpapaigting ng WAR ON DRUGS sa liderato ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay OOBLIGAHIN ngayon ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) ang lahat ng LOCAL GOVERNMENT UNITS partikular ang mga barangay official na supilin ang illegal drug trade sa kanikanilang mga nasasakupang constituents.

Bunsod nito, ilulunsad ng DILG ang kanilang kampanyang “BIDA” o ang “BUHAY AY INGATAN DROGA AY AYAWAN” na idaraos ang GRAND LAUNCHING NATIONWIDE sa November 26, 2022 at pangungunahan mismo ito nina PRES. BONGBONG MARCOS JR, DILG SECRETARY BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR at DILG-BARANGAY AFFAIRS UNDERSECRETARY FELICITO “CHITO” VALMOCINA.

Sa programa ni HERO ROBREGADO sa RADYO PILIPINAS ay nakapanayam nito si USEC. VALMOCINA na nagpahayag na isasagawa sa CIRCLE, QUEZON CITY ang GRAND LAUNCHING na ang lahat ng dako sa ating bansa LUZON, VISAYAS at MINDANAO ay sabay-sabay ang pagpapasimula ng programa sa umaga.



Ayon kay USEC. VALMOCINA, si DILG SEC. ABALOS ay naglabas ng MEMORANDUM para sa pakikipagkaisa mula sa mga GOVERNOR, MAYORS at ang 42,000 BARANGAY sa buong bansa.., dahil ang WAR ON DRUGS ay hindi kakayanin lamang ng LAW ENFORCERS kung hindi makikipagkooperasyon ang mga LOCAL GOVERNMENT OFFICIAL sa ating bansa.

Aniya, ang BADAC o ang BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL ay kailangang maobliga sa pagpapaigting na malipol ang illegal drugs at mawala na ang mga drug addict sa kanilang mga nasasakupang residente.. na aniya pa ay walang sisinuhin sa WAR ON DRUGS.

Sabagay, mula nang manungkulan si SEC. ABALOS JR ay kaniya nang ipinagdiinan na isa sa pangunahin niyang kampanya ay ang WAR ON DRUGS at palakasin o kinakailangan ng mga matitibay na ebidensiya para ang mga mahuhuli ay hindi mauwi sa pagpapawalang sala ng korte dahil sa kahinaan ng mga ebidensiya…, o baka naman gumana ang “MONEY WORKS” hehehe.. na dapat mabantayan ng mga kinauukulan upang kung mayroon mang mga tiwali sa JUDICIARY ay makasuhan at sila ang maisadlak sa mga piitan.

Alam din ni USEC. VALMOCINA na may mga BARANGAY OFFICIALS ang tiwali o sangkot sa mga illegal drugs na aniya ay nabibilang na ang araw ng mga GOVERNMENT OFFICIAL na namunini sa illegal drug trade.., kasi po ay may puwersa nang nagmamanman sa lahat ng mga opisyal sa ating kasalukuyang administrasyon.

Mga ka-ARYA.., si VALMOCINA ay dating BARANGAY CHAIRMAN ng BRGY. HOLY SPIRIT, QUEZON CITY na bahagi ng kaniyang programa noon ay isinasailalim sa MEDICAL CHECK-UP ang kanilang mga BARANGAY WORKERS para madiskubre kung may mga adik sa kanilang mga worker o angkop ba silang makapagtrabaho.



Isang ipinaimplement nito noong BRGY. CHAIRMAN siya ay ni-require nito na ang lahat ng kanilang mga worker ay dapat na may tanim na gulay sa kanilang.mga pamamahay.., na kung wala mang lupa sa espasyo ng mga bahay ay magtanim sa mga botelya o paso o sa mga lata ng mga gulay tulad ng okra, saluyot, sili, kamatis at iba pa.., dahil kung wala ang mga iyan ay hindi marerenew ang worker o hindi na sila tatanggapin pang magtrabaho sa kanilang barangay.

Dapat ang ganitong sistema ay gayahin ng lahat ng.mga barangay officials natin na kahit nasa siyudad ay kayang magtanim ng gulay.. tulad ng sili, kalamansi o talong sa mga paso.., dahil malaki ang maibabahagi nito sa FOOD SECURITY sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.