Advertisers

Advertisers

Alice pabebe, itinatago ang itsura ng partner

0 224

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

IMBUDO ang ilang netizens sa isang post ni Alice Dixson sa kanyang IG na tinakpan nito ang mukha ng kanyang partner.
Hindi ma-gets ng mga katkatera kung bakit mega-flaunt nito ang sarili sa social media pero itinatago naman ang fez ng hubby.
Matatandaang hindi naman ito ang unang pagkakataon na itinago ni Alice ang karakas ng kanyang partner.
Dahil sa kanyang pa-bitin na may hanash pa siya sa bashers na mag-meditate, maraming nairita sa ginawa ng aktres.
Hirit nila, hindi raw kaya itinatago nito ang fez ng hubby ay dahil may sabit na ito.
May ilan namang nagsabing hindi raw kaya napra-praning lang ang aktres dahil mega-rich ang hubby at prinoprotekhan nito ang privacy ng negosyante sa takot na maging mainit ito sa mga may masamang tangka sa kanyang partner.
May ilan namang gusto ring kurutin sa singit ang aktres dahil sa umanoý pagiging pabebe nito na di na bagay sa kanyang edad.
Ito ang ilang komento ng kibitzers.
“Mega hide niya ang fez ng lalake kasi baka maagawan siya.”
“Hindi kaya may sabit na si Kuya…. at si Alice ay isang dakilang……..”
“Kung ayaw niyang makita ang mukha ng kanyang partner, huwag na siyang magpost sa kanyang IG. Kaloka siya, papansin lang siya.”
“Ang alam ko, hindi naman pangit si afam. Bakit niya ikahihiya?”
“OA siya. Bakit bilyonaryo ba ang papa niya kaya takot siyang makidnap.”
“I cringe rito. Di na bagay sa edad niya ang pabebe.”