Advertisers

Advertisers

Bea nangangapa sa mga bagong katrabaho sa Viva; Glaiza ikakasal muli sa Irish hubby sa Pinas

0 255

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KASALUKUYAN na ngang inihahanda ng mag-asawang Glaiza de Castro at Irishman David Rainey ang ikalawang dream wedding o kasalan sa bansa. Bilang preparasyon ay gumawa na ng prenuptial shoot last September ang mag-asawa sa Zambales. Say ni Glaiza na isa pa ring Christian ceremony ang ikalawang kasal at sa isang Zambales beach resort ito gagawin. Kung matatandaan, unang kinasal sina Glaiza at David sa isang civil wedding sa Northern Ireland, noong October 2021.
Sa kasalukuyan ay nasa Ontario, Canada si Glaiza para sa shooting ng bago niyang movie na may pamagat na “Kahel”.
Say nga ni Glaiza, miss na miss na niyang gumawa ng movie, huling pelikula niyang ginawa ay ang “Midnight in a Perfect World” at pagkatapos nito ay pawang TV shows na ang sumunod niyang proyekto which includes the ongoing “The Running Man Philippines.”
“After two years, we are finally able to start! I honestly thought this project is not going to push through because of Covid restrictions pero perfect timing lang talaga. Exciting times ahead,” caption ni Glaiza sa isa niyang post sa socmed account
***
MIXED emotions ang naramdaman ni Bea Binene sa first ever project niya as a new Viva Artist, ang seryeng “The Rain in España” kasama sina Heaven Peralejo at Marco Gallo.
Feeling blessed daw ang dating Kapuso young actress dahil sa ilang araw palang pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Viva ay may project agad siyang gagawin. Inamin din ni Bea na parang isang baguhan ang kanyang pakiramdam nang magsimula na siyang mag-taping na nangangapa ng gagawin, dahil sa nakasanayang mga kasamahan sa trabaho.
Bago kasi lahat kay Bea ang kanyang co-actors at almost 18 years na sa Kapuso Network lang umikot ang kanyang mga trabaho sa showbiz.
“Unang-una sobrang nagpapasalamat po ako, sobra. I feel very blessed because this is my first project with Viva since I transferred po. And nakakataba po ng puso ‘yung tiwala na binibigay sa akin para po maging parte ng isang proyektong napakalaki po tulad nito,” say ni Bea.
“At the same time parang medyo nangangapa, nakakapanibago, kasi after eighteen years, ngayon lang po ako nakapagtrabaho ng mga bagong faces, ngayon lang po kami magkakatrabaho ni Direk, ni Heaven, and the cast, and even the staff and the whole team, nakakapanibago po. Para po siyang breathe of fresh air. Nakaka-excite po,” say pa rin ni Bea.