Advertisers

Advertisers

Carmina paniwala sa anak na si Cassy na wala pa balak magka-syota; RR pinayuhan ang basagulerong basketeer na mag-boxing na lang

0 235

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGBIGAY ng opinyon ang binansagang Sawsawera Queen na si RR Eriquez tungkol sa kontrobersyal na panununtok umano ni John Amores ng Jose Rizal University (JRU) sa ilang nakalaban nilang players ng College of St. Benilde.
Pabirong sabi ni RR kay John,”Kung hindi ka na nila tanggapin sa basketball, meron akong nakikitang magandang future sa’yo, i-pursue mo ang pagiging boxer. Charot! Malay mo, ang hilig mong makipagsuntukan. O di ba parang dalawang beses mo nang ginawa ‘yan. Bakit hindi ka mag-training sa boxing? Baka doon sa boxing magkaroon ka ng magandang future. So kung ako sa’yo sundin mo si Kasawsawera Queen, mag-boxing ka na lang,” pabirong nasabi ni RR.
Gayunpaman, wish pa rin ni RR na sana’y mabigyan pa ng pagkakataong makabalik sa paglalaro si Amores at matupad pa rin nito ang pangarap niyang maging isang tanyag na basketbolista sa bansa.
***
SA show nilang Sarap Di Ba, tinanong ni Carmina Villarroel ang anak na si Cassy Legaspi kung ano ang relasyon nito kay Darren Espanto. Nali-link kasi ngayon ang dalawa.
“We’re vey close. So, I would say best friend. Best friend ko siya,” nakangiting sagot ni Cassy sa kanyang mommy.
Aminado naman si Carmina na hangga’t maaari ay ayaw pa niyang payagan si Cassy na magka-boyfriend. At naniniwala si Carmina sa sagot ng anak na hindi pa nito kasintahan si Darren.
“Ang sabi sa akin ni Cassy, e, wala raw pa sa isip niya ang boyfriend-boyfriend. Sabi niya gusto niya mag-concentrate dito sa trabaho niya. Plus, nag-school kasi.
“So, gusto ko paniwalaan, gusto ko panghawakan na wala sa isip niya yung ganun. Di siyempre pabor sa akin yun.”
“Wow!” ang natatawang reaksiyon naman ni Cassy pagkarinig sa sinabi ni Carmina tungkol sa kanya.
Pero kung saka-sakaling magka-boyfriend na si Cassy, iintindihin naman daw ni Carmina.
“Siyempre dumaan ako sa ganun. So I am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko yun nung pagkabata ko.
“Like I said, I trust Cassy, I trust Mavy. So, huwag lang nila i-break yung trust ko.”