Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA isang FB page na Siargao Secret ay may naka-post na larawan si Nadine Lustre.
Super mega lait siya sa nasabing FB page.
Kaka-surfing daw nito ay nag iba na ang kulay ni Nadine na binansagan pang Island Girl.
Nangitim at nasunog na raw ang balat nito sa laging pagsa-surfing sa Siargao.
At ikinaloka pa ng kampo ni Nadine na naikumpara ito sa isang pulubi.
Mukhang pulubi na raw ang arrived ni Nadine at puwede na itong magpanggap na beggar.
Kaya sinagot naman niya ang post na panlalait sa kanya at may pakiusap sa netizens.
Ayon sa post ni Nadine regarding sa FB page na nang okray sa kanya na baka kilala ng netizens ang nagmamay ari ng Siargao Secret.
Puwede naman daw siya replayan if ever may nakakakilala sa may ari ng Siargao Secret na isang FB page.
Magha-hi at hello lang naman si Nadine kung mahanap na ang may-ari.
Gusto pa sanang bombahin ni Nadine ang okrabot na may ari ng FB page.
Pero pinakiusapan na ito ng netizens na may pagmamalasakit na huwag na pansinin at dedmahin na lang ang nang okray sa kanyang kulay morena.
***
Angeline pinagtawanan ang pang- ookray ng basher sa ama ng anak
HINDI na nga lang iniintindi ng Birit Queen na si Angeline Quinto ang mga pang ookray ng basher sa kanyang partner na si Nonrev Daquina.
May mga nababasa at nakararating sa mag partner na Angeline at Nonrev na ang singer actress na raw ang bumubuhay sa kanyang pamilya.
Sarap at hayahay na lang daw ang buhay ni Nonrev.
Pagtatanggol ni Angeline na may work naman ang kanyang partner na bukod sa insurance ay may sarili itong business.
Kaya pag may ganito nga raw na mga tsika ay pinagtatawanan na lang nina Angeline at Nonrev.
Alam naman daw nila ang obligasyon at pangangailangan ng kanilang anak na si Sylvio na dapat nilang ibigay.
Kung magpapakasal ay napag- uusapan naman nila kaso di pa raw sa ngayon at nakatuon ang kanilang atensyon kay Sylvio.
Well, well, well…’Yun na!