Advertisers

Advertisers

Solo parents/PWDs sa Maynila tatanggap ng 3K sa 1st wk ng Dec.

0 207

Advertisers

GOOD news sa solo parents at persons with disability (PWDs) sa Maynila dahil inanunsyo na ni
Mayor Honey Lacuna tatanggap ang bawat isa sa kanila ng P3,000 sa unang bahagi ng buwan ng Disyembre 2022 para sa kanilang buwanang allowance mula sa city government.

Nabati kay Lacuna na ang target date ng release ng masabing financial assistance ay sa first week ng December.

Tiniyak din ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila sa mga solo parents at PWDs na ang nasabing benepisyo ay magpapatuloy sa ilalim ng kanyang liderato.



Ibinahagi ng alkalde na noong siya ay dumalo sa Christmas tree lighting ng isang shopping mall at nang magtungo siya ng restroom, isang PWD ang naghintay sa sa labas ng restroom para tanungin lang siya kung kailan ang relase ng kanilang allowance.

“Talagang ginagawa po natin ‘yan na bi-annual kasi P500 lamang para pagdating ng ikaanim na buwan, malaki-laki ang matatanggap ng ating mga solo parents at PWDs. Pakiabangan na po. Sa unang linggo ng Disyembre ay matatanggap nyo na. ‘Wag nyo isipin na hindi na tuloy. Tuloy pa rin po ito,” pagtitiyak ni Lacuna.

Kaugnay pa nito, sinabi rin ng lady mayor na ang monthly financial assistance para sa senior citizens at university students sa lungsod ay patuloy na ibinibigay.

Ang pagbibigay ng financial aid ay bahagi ng city government’s social amelioration program. Ito ay binubuo ng 15,000 senior citizens; 21,800 PWDs; 5,000 solo parents; 17,000 university students at 5,000 Grade 12 students.

Ang mga college students ay tumatanggap ng P1,000 monthly allowance mula sa city habang ang mga senior high school students ay tumatanggap ng P500 kada buwan pareho din ng solo parents, senior citizens at PWDs.



“Makakaasa po kayo na ang inyong pamahalaang-lungsod ay patuloy na gumagawa ng paraan para paginhawain ang pamumuhay ng bawat pamilyang Manilenyo,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)