Advertisers
DINAKIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at PNP Maritime Group ang anim na mangingisda na sangkot sa illegal dynamite fishing sa karagatan sakop ng Ternate, Cavite.
Habang nagsasagawa ng pinaigting na maritime security patrol sa Carabao Island sa Ternate, nakita ng team ang isang kahina-hinalang bangkang pangisda kaya ininspeksyon ito.
Nakita ang anim na bote ng dynamite na may air compressor sa isang fishing boat.
Nanatiling aktibo ang PCG Station Cavite sa seaborne patrols upang pigilan ang illegal, unreported, unregulated fishing at iba pang lawless activities sa kanilang mga nasasakupan. (Jocelyn Domenden)