Advertisers

Advertisers

Listahan ng ‘personnel’ na sangkot sa ismagel ng mga kontrabando sa Bilibid, hawak na ng BuCor

0 109

Advertisers

HAWAK na ng bagong liderato ng Bureau of Correcions ang listahan ng personnel na sangkot sa pagpuslit ng mga kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. Subali’t hindi pa aniya maaaring ilabas ang detalye hinggil dito.

Magugunitang, nakumpiska ang iba’t ibang kontrabando kabilang ang mga baril, cellphone, droga, kutsilyo at aabot sa 7,500 cans ng beer sa loob ng bilibid pag-upo ni Catapang, kapalit ng sinuspindeng BuCor Director na si Gerald Bantag.



Kaugnay nito, magpapatupad ang Bureau ng technology-driven security system sa Bilibid.

Nagpakalat ng K9 units at high-tech equipments gaya ng facial recognition para matugunan ang kakulangan ng kanilang personnel.

Ito ay katulad ng command center ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para makita ang kung sino ang mga personnel na naka-duty.

Mayroon namang facial recognition para sa inmates.

Naka-deploy ang K9 units sa Gate 4 ng Bilibid kungsaan idinadaan lahat ng gamit at pagkain para sa inspeksiyon sa pamamagitan ng teknolohiya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">